Anne Curtis on Showtime: "Kasi Showtime makes me happy, and it's a job that I do daily and hindi ako nagsasawa. Sa Showtime rin ako napalapit sa lahat ng mga tao. They saw the closer side of me, the real me. Kasi hindi ako umaarte. Hindi ako kumakanta lang gaya sa ASAP. In Showtime, they get to know who I really am. So, that's why I love Showtime. There's no reason to want to leave that show. Hangga't may Showtime, masaya ako."

Photo: Mark Atienza

Sa January 28, 2012, na gaganapin ang first major solo concert ni Anne Curtis sa Araneta Coliseum na pinamagatang Annebisyosa: No Other Concert World Tour. 

Ang concert na ito ay inspired ng Platinum Record award ni Anne, para sa debut album niyang Annebisyosa, at sa blockbuster movie niyang No Other Woman.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Anne kahapon, December 14, sa Viva Production office sa presscon ng nasabing concert, nilinaw niyang wala siyang intensiyon na maging Concert Queen.

"Hindi naman...magku-concert lang, enjoy lang," sabi niya.

Paano kung maging successful ang concert niyang ito?

Sabi niya, "Masaya-masaya lang. 

"It's just something that shouldn't be taken serious...seriously. 

"Fun-fun lang."

Pero dugtong niya, "Sobra akong kinakabahan.

"But at the same time, I know it'll be a lot of fun.

"I know a lot of my friends are going, they're supporting me.

"And it'll just be fun, parang puma-party-party lang sa Araneta."

REGINE AS BACK-UP SINGER. Sumuporta man kay Anne si Regine Velasquez at binansagan pa siya nitong "Empress Concert," ayaw raw mangarap ni Anne na maging guest niya sa show ang Asia's Songbird.

Aniya, "Mahirap namang mangarap na ganung kataas.