Anne Curtis on Showtime: "Kasi Showtime makes me happy, and it's a job that I do daily and hindi ako nagsasawa. Sa Showtime rin ako napalapit sa lahat ng mga tao. They saw the closer side of me, the real me. Kasi hindi ako umaarte. Hindi ako kumakanta lang gaya sa ASAP. In Showtime, they get to know who I really am. So, that's why I love Showtime. There's no reason to want to leave that show. Hangga't may Showtime, masaya ako."

Photo: Mark Atienza

"I think it also helps na nakilala niya ako na eto na yung mundo ko," aniya.

TWITTER QUEEN. Nananatiling hawak pa rin ni Anne ang titulong "Twitter Queen," kung saan two million ang followers niya.

Aniya tungkol dito, "I'm so happy!  Thank you so much! 

"Gawin na nating meet-and-greet itong concert ko. 

"I'm hoping to see all of you.

"Alam ko namang scattered kayo all over the world. 

"Thank you so much for following all the kabaliwan sa aking buhay thru Twitter."

ANNE'S CHRISTMAS THIS YEAR. Ngayong Pasko, sa kanyang Australian father sa Pampanga magdadaos ng Christmas si Anne, kasama ang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith. 

Pero kina Erwan daw siya magno-Noche Buena, kasama pa rin ang nakababata niyang kapatid.

Wala lang masabing New Year's Resolution si Anne dahil kailangan pa raw niyang maglista.

"May ganun, may New Year's Resolution kami ni Jasmine, and may wishes kami. 

"Tinatago na namin yun and we open it kung nagawa ba naman yung mga resolutions namin, at kung wishes namin natupad.

"Last year, ang dami kong resolution. May shop lists, may family..." saad niya.

Ang pagta-travel sa mga bansang hindi pa niya napupuntahan ay kasama raw sa kanyang listahan.

STILL A KAPAMILYA. Samantala, kinumpirma ni Anne ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.