Rayver Cruz on settling down with Cristine Reyes: "Hindi ko muna iniisip yun dahil pag nag-expect ka naman at hindi nangyari, mahirap rin naman."

Rey Pumaloy
Thursday, December 15, 2011 @ 05:31PM  |  484 views

 

Rayver Cruz on his wish to go on a trip with girlfriend Cristine Reyes: "Pag may time, gusto naming makapagbakasyon. Wala namang specific na date o lugar, basta yung makakapag-relax lang kami...makapag-ikot-ikot."

Photo By: Noel Orsal













Gaya ng ibang couples, may plano na rin ang magkasintahang Rayver Cruz at Cristine Reyes ngayong Kapaskuhan.

"Bahay lang muna, sa family. And then sa 25th, magkikita kami ni AA [palayaw ni Cristine]," sabi ni Rayver sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang A Mother's Story kagabi, December 14.

Pero wala pa raw naiisip si Rayver na puwede niyang mairegalo kay Cristine kahit ilang araw na lang at sasapit na ang Pasko.

Sabi ng 22-year-old actor, "Siguro, tatanungin ko na lang siya kung ano ang gusto niya.

"Mahirap din kasing bumili ng something na hindi pala niya gusto."

BLESSINGS IN 2011. Isa si Rayver sa naging abala sa kanyang career nitong 2011. Kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa blessings na natanggap niya.

"Very thankful ako sa magandang takbo ng career ko, like yung napasama ako sa Reputasyon and then itong movie na A Mother's Story.

"Sobrang thankful ako na napasama ako dito dahil napakagandang pelikula talaga nito," saad niya.

Napangiti si Rayver nang matanong siya kung ano naman ang dapat niyang ipagpasalamat sa personal. 

Tumutukoy kasi ito sa pakikipagrelasyon niya kay Cristine.

Sagot ng binata, "Masaya ako all throughout sa personal ko, sa family, kay Cristine."

RELATIONSHIP ISSUES. Paano ba siya napapasaya ng kanyang lovelife, gayong marami ring mga sundot na isyu o intriga sa kanya?

"Uhm...siguro kasi lagi siyang nandiyan para sa akin, this year naman talaga okey na. Marami lang talagang issue.

"So, masaya, masaya itong taon na ito," sabi ni Rayver.

Ang pinakahuling isyu kay Rayver ay nang mabalitang may nakakita raw sa kanyang may ibang ka-date na babae.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name