Heart Evangelista (in photo, with boyfriend Daniel Matsunaga) on the lessons she learned in 2011: "You can't beat yourself too much. Hindi mo puwedeng parusahan ang sarili mo with things. Because...you can never make everybody happy. You can never be perfect for everybody. So, siguro gano'n na lang...you can never be the only one and the only best. Ina-appreciate ko na lang 'yong mga taong nagmamahal sa akin.  At 'yong mga hindi nagmamahal sa akin, that's why siguro there are other artistas that they can idolize!"

Photo: Erwin Santiago

Sabay na dumating sina Heart Evangelista at boyfriend niyang si Daniel Matsunaga sa Christmas party ng Mercator Model and Artist Management ni Jonas Gaffud noong Miyerkules ng gabi, December 14.

Si Daniel ay isa contract models-artists ng Mercator, samantalang si Heart naman ay naging malapit na rin sa mga kasamahan dito ng boyfriend.

"Daniel will be spending Christmas with us," banggit ni Heart nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa plano nila this holiday season.

"Kasi 'yong family niya, nasa Brazil. So, sa amin siya magki-Christmas.

"And then, I might go to Hong Kong for a few days after. 

"And then, balik-trabaho."

Sino ang kasama niyang pupunta ng Hong Kong?

"Family naman," sagot ng Kapuso actress.

Maiiwan si Daniel?

"Yes. I think he has to stay. Because may mga trabaho siya." 

UPCOMING PROJECTS. Si Heart din ay may mga bagong pagkakaabalahan na naman.

"I have Legacy," pagtukoy niya sa upcoming primetime series niya sa GMA-7.

"Also, I know I'll be doing two movies by January and February under Viva Films. 

"'Yong isang movie is Pagpag, na suspense-thriller. 

"Tapos the other one, parang love story naman.