Heart Evangelista (in photo, with boyfriend Daniel Matsunaga) on the lessons she learned in 2011: "You can't beat yourself too much. Hindi mo puwedeng parusahan ang sarili mo with things. Because...you can never make everybody happy. You can never be perfect for everybody. So, siguro gano'n na lang...you can never be the only one and the only best. Ina-appreciate ko na lang 'yong mga taong nagmamahal sa akin.  At 'yong mga hindi nagmamahal sa akin, that's why siguro there are other artistas that they can idolize!"

Photo: Erwin Santiago

"But, of course, I want everybody to see. Di ba? 

"But I really want it to be simple and happy."

Nakakaintriga ang dalawang magaganda at mukhang mamahaling singsing na suot ni Heart noong gabing yun. 

Isa ba sa mga ito ay bigay ni Daniel?

"Wala, actually. Puro sa akin ito!" natatawang sabi niya.

MO TWISTER. Kagagaling lang ni Heart sa New York.

Nagkita ba sila doon ng close friend niyang si Mo Twister, na biglang-bigla ay tinalikuran ang career dito sa Pilipinas?

"No. I didn't see him," sagot niya.

Isa si Heart sa very vocal sa pagsabing nalulungkot siya sa pag-alis ni Mo sa Pilipinas.

Aware ba ang aktres tungkol sa mga isyu at kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng controversial DJ-TV host at ng ex-girlfriend nitong si Rhian Ramos?

"Oh, my gosh! I really don't know what to say about that...with what happened. 

"But I wish both of them best," sabi ni Heart.

Bakit nga ba ayaw niyang umalis sa Pilipinas si Mo?

"Because he's a good friend.

"But I really didn't know what had happened!" bahagyang natawa ulit na sabi ni Heart.