Si Eula Caballero ang winner ng Star Factor, pero ang runner-up niyang Ritz Azul ang mas naunang nabigyan ng break noon na magbida sa primetime series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.
Pero sa pagdagsa ng magagandang projects para kay Eula ngayon, tila totoo nga ang kasabihang "it pays to wait."
At napatunayan niyang may plano naman pala talaga sa kanya ang Kapatid network.
Nakangiting sabi naman ni Eula, "Yes, ever since naman.
"Iba lang talaga yung sa iba't ibang projects kami binabato, nilalagay.
"Pero ang pag-aalaga naman ng TV5 sa amin, pantay. Sa aming lahat na Princesses.
"I mean, kaming lahat, sobrang well-taken care of."
Dagdag pa niya, "Incomparable naman ang mga projects namin.
"Like ako, napupunta ako sa ganitong movie na kasama ko sila [big stars].
"Siya [Ritz] naman, napupunta doon, lead siya doon. So, patas lang.
"Hindi yung ako nakakalamang, or siya nakakalamang sa akin.
"Both of us naman are blessed. I'm sure, thankful din siya sa mga projects niya.
"Wala yung 'Sana, ako na lang.' Wala namang ganoon.
"Kasi, ang gaganda ng ibinibigay sa amin ng TV5."
NEW KAPATID STARS. Bagamat isa si Eula sa homegrown talents ng TV5, hindi naman maikakaila na ngayon ay sunod-sunod na rin ang mga artista mula sa ibang networks na nagiging Kapatid na.




0

