Si Eula Caballero ang winner ng Star Factor, pero ang runner-up niyang Ritz Azul ang mas naunang nabigyan ng break noon na magbida sa primetime series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.
Pero sa pagdagsa ng magagandang projects para kay Eula ngayon, tila totoo nga ang kasabihang "it pays to wait."
At napatunayan niyang may plano naman pala talaga sa kanya ang Kapatid network.
Nakangiting sabi naman ni Eula, "Yes, ever since naman.
"Iba lang talaga yung sa iba't ibang projects kami binabato, nilalagay.
"Pero ang pag-aalaga naman ng TV5 sa amin, pantay. Sa aming lahat na Princesses.
"I mean, kaming lahat, sobrang well-taken care of."
Dagdag pa niya, "Incomparable naman ang mga projects namin.
"Like ako, napupunta ako sa ganitong movie na kasama ko sila [big stars].
"Siya [Ritz] naman, napupunta doon, lead siya doon. So, patas lang.
"Hindi yung ako nakakalamang, or siya nakakalamang sa akin.
"Both of us naman are blessed. I'm sure, thankful din siya sa mga projects niya.
"Wala yung 'Sana, ako na lang.' Wala namang ganoon.
"Kasi, ang gaganda ng ibinibigay sa amin ng TV5."
NEW KAPATID STARS. Bagamat isa si Eula sa homegrown talents ng TV5, hindi naman maikakaila na ngayon ay sunod-sunod na rin ang mga artista mula sa ibang networks na nagiging Kapatid na.
Ang ilan sa kanila ay mga malalaking artista na.
May usap-usapan nga na maging si KC Concepcion ay posibleng maging Kapatid na, gaya ng kanyang ina nitong si Sharon Cuneta.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula kung hindi ba siya nate-threaten sa pagpasok ng ibang mga artistang masasabing may mga pangalan na rin.
Aniya, "Hindi naman po.
"Ang pumapasok nga sa isip ko, sana makatrabaho ko sila.
"Like, noong pumasok si Megastar [Sharon] sa network natin, sana talaga makatrabaho ko siya.
"Sabi ko talaga sa mom ko, 'Sana, sana makatrabaho ko sa 2012.'"
Nagkatawanan naman ang press sa sagot ni Eula nang tanungin ito kung ano ang sasabihin niya kay Sharon Cuneta kapag nakita na niya ito: "Pa-picture!"
Ganoon din ba siya noong una niyang ma-meet si Nora Aunor, na nakasama niya sa mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina?
"Gustung-gusto ko na, kaso nahiya ako.
"Sabi ko lang sa handler ko, 'Kapag nag-pictorial na kami, piktyuran mo kami, ha!'"
SO FAST. Nagtataka naman si Eula kapag may nagtatanong sa kanya kung hindi ba siya nababagalan sa takbo ng career.
Aniya, "May iba na, parang, may natatanggap akong question sa ibang reporter na, 'Hindi ka ba nababagalan? Ganyan? Dapat magbida ka na.'
"Sabi ko, 'Hindi.'
"Parang nao-overwhelm pa nga ako sa sobrang bilis, sa sobrang laki ng naibibigay nila. Hindi naibibigay yun sa lahat.'
"So, eleven months, and then, ganito na karami ang naibibigay ng TV5 sa akin, sobrang wow yun. Mabilis na nga yun.
"There was a point pa nga na iniisip ko, 'Paano ako mag-a-adjust?'
"Kasi, sobrang bilis talaga. Ang daming nagbabago agad-agad."
In less than a year, ano na nga ba ang mga nabago ng showbiz sa kanya?
Sabi ni Eula, "Una siguro, artista, hindi ka puwedeng ang taba-taba mo.
"Noong una, yung feeling na sobrang deprived kasi mataba talaga ako.
"Hindi lang chubby. Mataba talaga ako dati.
"Siguro after Star Factor, do'n ako nag-diet talaga.
"Tapos, dapat marunong ka nang mag-make-up, manamit in all occasion.
"Siyempre, hindi naman all the time may stylist ka.
"Makaka-save ka rin if you know how to fix yourself."
NEW HOME. Nakalipat na raw si Eula sa bahay niya sa Cavite na napanalunan niya sa Star Factor.
Pero aminado ang young actress na may pagka-gastador siya, lalo na raw pagdating sa weakness niya—ang make-up.
"Kaya yung pera ko, ibinibigay ko sa Mom ko.
"Kasi, sa akin talaga, kahit anong sabi ko na hindi ko 'to gagastusin...
"Sa car naman, meron na ako, pero gusto ko rin ng sarili. Kasi sa dad ko yun.
"Ibinenta namin ang car namin sa Cebu para meron magamit dito.
"Sana sa 2012 naman, meron, magkaroon ako ng sarili kong sasakyan."
CHRISTMAS & NEW YEAR. Ngayong Christmas, wish naman ni Eula na makapagbakasyon siya sa Cebu.
"Sana talaga makauwi naman ako this Christmas, sana maisingit sa schedule ko.
"Kasi, may mga friends din ako sa Cebu na magbo-Bora [Boracay] sila.
"Sana maisingit at makauwi rin ako ng Cebu kasi we have a new member. May niece na 'ko.
"So, sana makita ko sa Pasko.
"Pero sa December 24, nandito pa ako. May parade kasi.
"Naiisip ko na nga, parang imposible.
"So, baka maki-party na lang ako, maghananap ako ng Christmas party na mapupuntahan."
Pero gusto raw niyang salubungin ang New Year sa bagong bahay niya.
"Ito kasi ang unang Pasko at New Year sa bahay na napanalunan ko.
"So, sabi ko, it's either Christmas or New Year with the whole family.
"Tapos sabi naman nila, 'Sige, complete tayo buong pamilya sa New Year.'
"Pero ewan ko pa rin."
This 2012, isa raw sa plano ni Eula ay makabalik sa school.
Sixteen years old pa lang si Eula.
Pero dahil two years ahead daw siya nang pumasok sa school, kung hindi siya nag-skip ng dalawang taon, nasa second year college na raw sana siya ngayon.
"Sometimes I feel, parang limang taon akong hindi nag-aral, dahil sa sobrang bising-busy ko," sabi niya.
