PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ms. Gloria Romero surprised by GMA-7 executives on her 78th birthday

Ms. Gloria's Munting Heredera co-star Camille Prats says the veteran actress is "blessed."
by Glen Sibonga
Published Dec 18, 2011
Ms. Gloria Romero on the love she gets from GMA Network: "Para bang matagal na ako rito. Para bang hindi lang ngayon ako dumating dito sa GMA. They made me feel so welcome."

Naging emosyunal ang isa sa mga kinikilalang reyna ng pelikulang Pilipino na si Ms. Gloria Romero sa pagdiriwang ng kanyang ika-78 na kaarawan noong Biyernes, Disyembre 16.

Sinorpresa kasi siya sa ng top executives ng GMA-7, gayundin din ng mga katrabaho niya sa toprating primetime teleserye, ang Munting Heredera.

Sa speech ni Ms. Gloria, inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa ibinigay na pagdiriwang sa kanya ng GMA management.

"They have been so good to me. They accepted me dito sa GMA without any questions," sambit ng veteran actress.

Nakunan ng Startalk TX ang espesyal na pagdiriwang na ito at napanood sa GMA-7 kahapon din.

KAPUSO LOVE. Sa interview kay Ms. Gloria, sinabi niyang hindi niya ine-expect na makikibahagi sa selebrasyon ang mga executives ng GMA sa pangunguna ni GMA-7 CEO Atty. Felipe Gozon.

Saad niya, "Hindi ko akalain, kasi they're very shy, e.

"Bihira silang pumunta sa mga showbiz affairs. But they were here tonight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pati si Atty. Gozon, nandun, di ba? Even Ms. Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV] was there.

"So, nice...nice feeling ho."

Ramdam na ramdam nga raw ni Ms. Gloria ang pagmamahal ng mga Kapuso.

"Para bang matagal na ako rito. Para bang hindi lang ngayon ako dumating dito sa GMA.

"They made me feel so welcome," sabi niya.

CAMILLE'S ADMIRATION. Samantala, puno naman ng paghanga kay Ms. Gloria ang co-star niya sa Munting Heredera na si Camille Prats.

Ayon kay Camille, "Feeling ko Tita Glo is blessed with so many things in life.

"She's blessed with how many years of fruitful life, na at her age now, nagtatrabaho pa rin siya.

"Sobrang sharp pa rin ng memory niya.

"Wala, talo kami."

Isa raw ang kanyang Tita Glo sa nagpagaang ng kanyang kalooban nang pumanaw ang kanyang asawang si Anthony Linsangan.

Sabi ni Camille, "With everything that I have gone through during the show, sila yung nagko-comfort sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLORIA'S BACKGROUND. Ipinanganak si Gloria Romero (Gloria Galla sa totoong buhay) noong Disyembre 16, 1933.

Pinoy ang kanyang amang si Pedro Galla at Amerikana naman ang kanyang inang si Mary Borrego.

Naging asawa niya ang aktor na si Juancho Gutierrez.

Nagkaroon sila ng isang anak, si Maritess Gutierrez, na bahagyang pumasok din sa showbiz. Si Maritess ay isang ganap na chef na ngayon.

Pagkatapos ng mahigit sa 15 taon ng pagtatrabaho sa ABS-CBN, lumipat si Ms. Gloria sa GMA noong Pebrero 2011.

Ang Munting Heredera ang una niyang proyekto bilang Kapuso, at hanggang ngayon ay namamayagpag ito sa ratings sa telebisyon.

Sa mahigit na 60 taon ni Ms. Gloria sa showbiz, kabilang sa mga award-winning performances niya ay ang pelikulang Tanging Yaman (2000), kung saan nakakuha siya ng apat na Best Actress trophies.

Dalawang Best Supporting Actress awards naman ang nakuha niya para sa Magnifico (2003) at isa para sa Saan Nagtatago ang Pag-ibig (1987).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang una niyang Best Actress award ay natanggap niya para sa Dalagang Ilocana noong 1955.

Most recent sa awards na natanggap niya ngayong taon ay ang 9th Gawad Tanglaw Best Supporting Actress para sa Tarima, kung saan naka-tie niya ang co-actress niya sa movie na si Rustica Carpio.

Sa 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) ay kinilala naman siya bilang isa sa 13 Movie Icons of Our Time.

Siya ang kauna-unahang recipient ng lifetime achievement award mula sa MTRCB (Movies and Television Review and Classification Board) Awards, noong pinangungunahan ang Board ni Consoliza Laguardia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ms. Gloria Romero on the love she gets from GMA Network: "Para bang matagal na ako rito. Para bang hindi lang ngayon ako dumating dito sa GMA. They made me feel so welcome."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results