"Ber month" na nang pumanaw noong Setyembre 23, 2011, ang asawa ni Camille Prats na si Anthony Linsangan dahil sa nasopharyngeal cancer.
Ilang buwan na nga ang nakalilipas, pero ayon kay Camille, tila hindi pa totally nagsi-sink in sa kanya ang pagkawala ng asawa.
Aniya, "Hindi, ayoko pang isipin.
"Pero as much as possible, sinusubukan kong ialis yun sa isip ko kasi hindi naman masyadong nakakatulong."
Ito ang pahayag ni Camille nang ma-interview siya ng Startalk TX, na napanood kahapon, Disyembre 17.
CHRISTMAS WITHOUT HER HUSBAND. Kakaiba raw ang magiging Pasko ni Camille ngayong taon dahil hindi nga niya kapiling ang kanyang asawa.
Pero hindi raw siya puwedeng magpadala sa lungkot.
Sabi ng aktres, "Basta...of course, siyempre mami-miss ko siya, di ba?
"This would be an unusual Christmas for me kasi he won't be there.
"Kailangan mong magpaka-strong because I have a son na nakasandal sa akin at umaasa sa akin.
"Hindi ako puwedeng magpakita ng kahit anong panghihina."
Ilang araw na lang ay Pasko na, paano niya ipagdriwang ang araw na ito?
"With my family, of course. We'll be spending it at home," maikling sagot ni Camille.
Balak niya rin daw bisitahin ang puntod ni Anthony.
"I'll probably visit my husband sa memorial and then go back home."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 chikorita_pikachu
5 song751
4 D_katie
3 superbeki
2 lovetrip
1 superbeki