Governor ER Ejercito on director Tikoy Aguiluz: "Gusto ko pa rin, siya ang director ko. Kung ayaw niya, siya ang mawawalan, hindi ako! Ako na lang ang nagtiwala sa kanya, e. Ako lang ang nagbigay sa kanya ng malaking chance na makabalik. Saka ipinaglaban ko si Direk Tikoy sa mga producers ko. Ipinaglaban ko si Direk Tikoy."

Photo: Sany Chua

Successful ang premiere showing ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa SM Manila Cinema kagabi, December 17.

Kahit na umuulan ay dinagsa pa rin ng mga tao ang premiere. Umani rin ng papuri ang pelikula.

Hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Laguna Governor ER Ejercito, na siyang bida sa Manila Kingpin, dahil sa mga bumabati sa kanya at sa pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Governor ER matapos ng premiere night, nagpasalamat muna ito sa mga nanood at sumuporta sa premiere showing.

Aniya, "Natutuwa ako dahil sulit ang P75 million...plus promotion yun, ha, na nagastos ng aming producer. 

"At talagang all-star cast at overwhelming ang response."

THE SUPERSTAR. Binanggit din ni ER ang pagdalo sa premiere night ng Superstar na si Nora Aunor.

Aniya, "Katunayan niyan, si Ms. Nora Aunor katabi ko.

"Prangka niyang sinabi na kinikilabutan siya sa eksena, ramdam na ramdam niya ang tension ng bawat scene.

"Tuwang-tuwa si Ms. Nora Aunor sa pelikula, ang ganda-ganda raw.

"Tama yung ginawa naming paggastos—dugo at pawis ang pinuhunan. 

"Tama lang na pinaulit ko yung editing."

ISSUE WITH DIREK TIKOY. Dahil sa kanyang tinuran, nakumpirma ang usap-usapang hindi nagustuhan ni ER ang unang pagkaka-edit ng kanyang pelikula.

"Hindi namin nagustuhan yung unang editing," sabi niya.