Sagot ni Governor ER: "Alam n'yo, matagal nang walang kumukuha kay Tikoy.
"Ako na lang nga ang nagtitiwala sa kanya, actually. Lahat halos niyan nakaaway niya.
"Pati si Congresswoman Imee Marcos, di ba? Sa ECP [Experimental Cinema of the Philippines], noong araw.
"Sinasabi ni Imee Marcos, 'You got Tikoy?'
"'Yeah! Why? I like him, he's a good director.'
"'Ang daming problemang ibinigay niyan sa akin sa ECP.'
"Sabi ko, 'Lahat naman ng nakasama niyan, puro problemado!'" pabirong sabi pa ni ER.
Si Tikoy ang nagdirek ng Boatman, na iprinodyus ng ECP, na pinamahalaan ni Imee.
Pero sa kabila nito, ayaw raw palitan ni ER si Tikoy.
"Hindi, gusto ko pa rin si Direk Tikoy, kahit madami siyang 'binigay na problema sa akin.
"Gusto ko pa rin, siya ang director ko.
"Kung ayaw niya, siya ang mawawalan, hindi ako!
"Ako na lang ang nagtiwala sa kanya, e. Ako lang ang nagbigay sa kanya ng malaking chance na makabalik.
"Saka ipinaglaban ko si Direk Tikoy sa mga producers ko.
"Ipinaglaban ko si Direk Tikoy," diin niya.




0

