Pagkatapos ng live interview niya sa Bandila, muling lumabas sa isang programa ng ABS-CBN ang GMA-7 actor na si Dingdong Dantes.
Kagabi, December 17, si Dingdong ang naging guest ni Boy Abunda sa late-night talk show nitong Bottom Line With Boy Abunda sa Kapamilya network.
Ang dalawang nabanggit na interviews ay kaugnay pa rin ng promo ng pelikula ni Dingdong, kasama ang ABS-CBN stars na sina Kris Aquino at Angelica Panganiban. Ito ang Segunda Mano, entry sa Metro Manila Film Festival 2011.
Narito ang naging usapan nina Boy at Dingdong sa Bottom Line:
Boy: "You're goodlooking, you have a great career. My friends were saying, 'He's very wealthy.' You are perceived to have everything.
"My questions are: Does it bother you, what don't you have, and what's wrong with you?"
Dingdong: "Whew! Well, siyempre, I wouldn't consider myself perfect because there are still things that are left undone."
Boy: "Pero, hindi ito first time na naririnig mo? Yung too much expectation?"
Dingdong: "Siguro yung term na perfect, ngayon pa lang. Pero yung expectation, yes..."
Boy: "Na parang ang yaman-yaman mo, ang guwapo-guwapo mo. Na parang you have everything. I mean, that's what people say."
Dingdong: "Feeling ko, that's just people's perception. Pero para sa akin, e, hindi naman.
"Ako, I would like to consider myself a normal human being na I'm just doing what I wanna do. That's it."
Boy: "Sabi mo kanina, marami ka pang gustong gawin, talk about it..."
Dingdong: "Minsan, pinangarap ko na maging artista, naging posible siya. Nangyari.
"Sabi ko minsan, balang-araw, baka pupuwede na makapag-produce na rin ako ng sarili kong pelikula—na nangyayari na rin ngayon.
"Ang dami pa sa buhay na mas importante para sa akin, halimbawa, ang pagiging ama, ang pagiging isang asawa.




0

