Ang nanguna at nanalo ng one million pesos, two-bedroom condominium unit, five-year contract sa GMA Artist Center at iba pang premyo ay si "RnB Sistah" Krizza Neri ng Cagayan de Oro.

Photo: Sany Chua

Ang tinaguriang "RnB Sistah" na si Krizza Neri ang itinanghal na grand winner sa final battle ng pinakamalaking singing talent search ng GMA-7—ang Protégé: The Battle for the Big Break.

Ginanap ang grand finals sa Center Stage ng SM Mall of Asia kagabi, December 18.

Si Krizza ang protégé ng mentor na si Aiza Seguerra.

Kabilang sa mga premyong napanalunan ni Krizza ang mga sumusunod: one million pesos, two-bedroom condominium unit sa Adriatico Gardens, five-year contract sa GMA Artist Center, at two-year scholarship sa STI.

THREE ROUNDS. Tinalo ni Krizza ng Cagayan de Oro sa grand finale ang kapwa niya protégés na sina Lovely Embuscado ng Davao at Lirah Bermudez ng Iloilo.

Si Lovely, na tinaguriang "Singing Cinderella," ang protégé ni Jaya; samantalang si Lirah, na tinaguriang "Pop Sweetheart," ang protégé ni Janno Gibbs.

Tatlong rounds ang pinagdaanan nina Krizza, Lovely, at Lirah para sa boto ng mga manonood at ng limang judges.

Kabilang dito sina Joey de Leon, Bert de Leon, Louie Ocampo, Eula Valdes, at Cherie Gil.

Ang first round ay "Mentor + Protégé" kung saan nag-duet ang mentors at protégés.

Unang sumabak sa stage sina Aiza at Krizza, na kumanta ng medley ng "I'll Be There" at "There You'll Be."

Sumunod sa kanila sina Jaya at Lovely na kumanta naman ng mash-up ng "Handog" at "Minsan ang Minahal ay Ako."

Panghuling nag-perform ay sina Janno at Lirah, at kinanta nila ang "I'm With You" at "Iris."

Sa unang round ay ibinigay ni judge Cherie ang boto niya kay Krizza dahil ang performance daw nito, kasama ang mentor niyang si Aiza, ang nakaantig sa kanya nang husto.

Ang Round 2 ay "Greatest Performance of My Life," kung saan mismong ang mga protégé ang namili ng kanilang kakantahin.