news

Senator Bong Revilla denies barring Marian Rivera's boyfriend, Dingdong Dantes, on the set of Panday 2

by Glen P. Sibonga posted on December 19, 2011  STATS: 629 Views | 12 Comments

 

Senator Bong Revilla on which film will become the MMFF 2011 topgrosser: "Siyempre, sino ba naman ang ayaw maging number one? Lahat kami. Pero siyempre kung yun ay ibibigay ng Panginoon na maging number one ka, nobody can stop it. Basta sa atin, ginawa natin ang lahat para sa pelikulang ito, Panday 2."

Photo By: Noel Orsal

Si Senator Bong Revilla, Jr. ang sumagot sa maiintrigang tanong ng Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus para sa "Don't Lie To Me Reloaded" segment na napanood sa GMA-7 kahapon, Disyembre 18.

Kaugnay ito ng pagpo-promote ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Panday 2, na entry ng GMA Films at Imus Productions sa Metro Manila Film Festival 2011.

DINGDONG NOT BARRED. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumalang si Bong sa hamon ng lie-detector test.

Unang tanong ni Sweet kay Bong: Pinagbawal nga ba niyang mabisita sa set ng Panday 2 ang leading lady niyang si Marian Rivera ng boyfriend nitong si Dingdong Dantes?

Sagot ni Bong: "No."

Resulta ng lie detector: "Truth."

Paliwanag ni Bong, "Bakit naman pagbabawalan? Dingdong is a very good friend of mine. At siyempre ano sila [magkasintahan sila ni Marian]."

Dagdag tanong ni Sweet kung nagbigay-pugay o nagpaalam ba siya kay Dingdong dahil may kissing scene sila ni Marian sa movie.

"Well, trabaho lang ito. Nothing personal. So, 'ayan," sagot ng actor-politician.

GOOD LOOKS. Pangalawang tanong: Dahil napanatili niya ang maayos na pagmumukha at katawan na tila hindi siya tumatanda, may ipinagawa ba o may ipinaretoke ba siya sa kanyang good looks ngayon?

Birong sagot ni Bong kay Sweet: "Gusto mong pasayawin kita? Ang sagot ko, yes!"

Resulta ng lie detector: "Lie."

Tawa nang tawa si Bong dahil napasayaw nga niya si Sweet ng kanyang buwis-buhay dance moves, sabay sabi ng, "I love you, Sweet! Hindi na ako magla-lie."

Paliwanag naman ni Senator Bong kung bakit goodlooking pa rin siya, "I work out every other day. Kung kaya ko, every day.

"So, maalaga rin ako sa balat. And I have to be fit, di ba? Kailangan cute tayo."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  funrel

    12/20/2011 | 07:12 PM
    pansin ko lng lagi kay brainful,no 1 lagi sa comment...ano to nagbabantay ng sobra sa article ng kapuso para unang makapgcomment ng negative lol...stalker ata to ng kapuso article eh esp marian article lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  paolo_7

    12/20/2011 | 04:06 PM
    iam brainful.. kung wala kang masabingg tama please just keep silent.. kala mo kung sino kang magsalita sa Idol kong si Ms. Marian Rivera.. for your info. please check mo mga past movie ni MR. lahat kumita. especially. You To Me Are Everything and Best Friend's Girlfriend. Please stop being a crab.. yan ang reason why di umuunlad tao dito sa Pilipinas ee..thanks
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pepnuts

    12/20/2011 | 09:41 AM
    maalaga rin ako sa balat. And I have to be fit, di ba? Kailangan cute tayo." Cute! ano ka toddler? nagbibinata! your a senator for goodness sake! act your age and status..yikes!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • swissmatz

    12/19/2011 | 10:58 PM
    I had fun watching don't lie to me sa showbiz central. Ok sina bong and ipe so game...hehe... Wishing your movie will be top grosser this coming mmff.. Read a lot of good feedback with this film. Congrats in advance.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • westbourne

    12/19/2011 | 10:45 PM
    Dapat mag ding bong nalang cila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kalahatingtao

    12/19/2011 | 03:07 PM
    Bakit my ganitong angle? Bong-marian-dong na triangle,ang babaw na publicity ito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Geresh7

    12/19/2011 | 02:36 PM
    Di ako makapagpigil na magcomment kapag nakikita ko ang kab0b0hang comment ni iam_brainful... Hoy kapams kung totousin flops lahat ng pelikulang gawa ng channel 2 at Star Cinema. Hanggang press release nalang sila at 10x padding. Namomolubi eh kahit pamasko sa christmas party wala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zereena

    12/19/2011 | 10:58 AM
    bat hindi ako maka-comment don sa issue ni Valerie????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel_laos

    12/19/2011 | 10:29 AM
    iambrainful kong flopsina queen c marian hnde na yan susugalan ng mga producer hello! san kaba naniniwala sa mga boxoffice kuno ng star cinema??? d mo ba alam na pudding ang sinasabi nilang kumita ng malaki movie nila hahahaha....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel_laos

    12/19/2011 | 10:25 AM
    comment number 1.wag ka ngang manghusga ng kapwa mo! sana ikaw ang daanan ng malas!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    12/19/2011 | 08:58 AM
    Baka maloko na naman ang mga sambayang Pilipino sa taong ito to watch his movie? HOY REVILLA, asikasuhin mo muna yang kapatid mong si Ramona to bring justice kay Ramgen. Akala mo kasi nakalimutan na ng tao ang ginawa mong pagtakip kay Ramona!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    12/19/2011 | 08:40 AM
    Eto na cguro ang pinaka ka Flop na Panday.. Dami Malas sa pelikula. First Malas, gawa ng gme pelms, second malas, may baby keller, third malas, may kapatid keller sa revilla family.. last but the least, super malas, queen of all flops, kasama sa cast si Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About