Protégé winner Krizza Neri on sharing her prizes: "Kung magiging selfish po ako, ayoko nang manalo. Ayoko nang angkinin ang prize."

Rose Garcia
Monday, December 19, 2011 @ 04:21PM  |  26274 views

 

"Sa totoo lang po, kung ako, hindi ako kasali rito, gusto kong manalo si Lovely.  Kaya po kanina, sinabi ko na willing po ako na i-share kay Lovely.  Kasi po, wala naman pong reason na akuin ko lahat 'to. Kasi, sobrang laki po [ng papremyo]," says Protégé winner Krizza Neri.

Photo By: Sany Chua













Si Krizza Neri ng Cagayan de Oro ang itinanghal na kauna-unahang winner ng singing talent search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle For The Big Break.

 

Tinalo ni Krizza, 16, sa Final Battle kagabi, December 18, ang kapwa niya finalists na sina Lovely Embuscado ng Davao at Lirah Bermudez ng Iloilo.

(CLICK HERE to read related story.)

Nang tanggapin ni Krizza ang kanyang mga premyo bilang grand winner—kabilang ang one million pesos at two-bedroom condo unit—marami ang nagulat at na-touch nang sabihin niya na anumang premyong matatanggap niya ay ibabahagi niya.

Una, sa mga biktima ng flash flood sa Mindanao, partikular na ang mga kababayan niya sa Cagayan de Oro.

Pangalawa, sa kanyang mga kapwa Protégé contestants, lalung-lalo na kay Lovely, na sa paniwala ni Krizza ay mas nangangailangan sa kanilang lahat.

Dahil sa gesture ni Krizza, mas lalong na-convince ang marami na siya talaga ang karapat-dapat na magwagi.

NOT EXPECTING. Pagkatapos ng Final Battle ng Protégé sa Centerstage ng SM Mall of Asia kagabi ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Krizza.

Narinig namin nang sabihin niya sa isang bumati sa kanya na, "Masarap talaga kapag walang ine-expect."

Kaya ang una naming tanong kay Krizza ay kung talaga bang hindi siya nag-expect na manalo nung gabing iyon.

Ayon sa 16-year-old aspiring recording artist, "Actually po, wala po talaga. Hindi ko po inisip.

"Kaya po noong una, hindi po ako... Masaya po ako, yung maging parte po ng Top 3. 

"Yung maging parte ng Top 10 man lang...hindi po siya lang, pero sobrang laking bagay na po yun.

"Lalo pa po't may assurance naman na po. May work na po kaming lahat.

"Pero yung makuha po ang title, makuha ang prizes, hindi ko po talaga siya ini-expect."

Bukod sa mga napanalunan niyang mga papremyo, kasama ni Krizza sina Lovely at Lirah na pipirma ng five-year contract sa GMA Artist Center.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

63 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name