news

Aquino sisters defend PNoy's attendance at PSG Christmas party amid flood relief efforts in Mindanao

by Glen P. Sibonga posted on December 20, 2011  STATS: 2210 Views | 233 Comments

 

Kris Aquino on criticisms against President Noynoy Aquino (in photo): "Pero siguro hindi n'yo maiaalis sa amin na sabihin namin na it's not like he doesn't care. Give me a break, di ba? Siyempre, pangulo siya ng Pilipinas at mahal niya ang ating mga kababayan. So, siyempre, gagawin naman niya ang lahat. Sana huwag napakabilis ng batikos kasi napakaraming ahensiya ang nagtatrabaho na. It's just that a President is not like you or me na we can hop on a plane and go there, because there are a lot of national concerns."

Photo By: Noel Orsal

Dinipensahan ng Aquino sisters na sina Kris Aquino, Pinky Aquino-Abellada, at Ballsy Aquino-Cruz ang kanilang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino mula sa natatanggap nitong mga batikos kamakailan.

Ang pagdalo ni PNoy sa Christmas party ng Presidential Security Group (PSG), sa kabila ng matinding pananalanta ng bagyong Sendong sa Mindanao, ang siyang pinagmulan ng batikos.

Umabot na ang death toll mula sa mga kababayan natin sa mahigit isang libo.

Sa ABS-CBN morning show na Kris TV, na hino-host ni Kris, live guests sina Ballsy at Pinky kahapon, Disyembre 19, para pag-usapan ang Christmas traditions sa kanilang pamilya, gayundin ang projects na ginagawa nila para sa ating mga kababayan.

Nang mapunta ang usapin tungkol sa nangyaring trahedya sa Mindanao dahil nga sa bagyong Sendong, hindi na naiwasang ipagtanggol ng magkakapatid si PNoy.

Ayon kay Ballsy, plano talaga ni Pangulong Noynoy na bisitahin ang Cagayan de Oro, ang lugar na pinakasinalanta ng bagyo.

Aniya, "Talagang pinaplano na nga [ng Pangulo] na pumunta sa CDO. Alam mo kapag pangulo ka, hindi hora-horada ay gagawin mo yun, at saka titingnan lahat.

"Pero narinig ko na pinag-uusapan na ng PSG [Presidential Security Group] at PMS [Presidential Management Staff] kung ano ang gagawin."

Sa pinakahuling ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, Disyembre 20, dinalaw na ng Pangulo ang Cagayan de Oro at pumunta rin siya ng Iligan.

Dala ni PNoy ang iba't ibang tulong, kasama na rito ang rehabilitation plans para sa mga lugar na nasalanta.

Paliwanag pa ni Ballsy tungkol sa PSG Christmas party, "Ngayon, yun namang party ay matagal nang naka-schedule 'yon.

"Siyempre, may mga masasamang nangyayari at may malungkot, but then, life should go on.

"Hindi naman puwedeng huminto na lang ang buhay at magmukmok na lang tayo.

"That party was for the PSG, ang mga nag-aalaga sa Pangulo at sa kanyang pamilya. Tradisyon yun na talagang every year ay nagsasama-sama.

"Kasi it's time to thank them for always being there. At saka alam naman nating lahat na ibinibigay nila ang buhay nila para mapangalagaan ang Pangulo.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

233 Comments

  • 13  swiTsuplada

    12/20/2011 | 02:36 PM
    Ambilis ng mga tao bumato ng putik. Kayo ba, may nagawa na ba kayo para sa bansa natin? Kaya siguro hindi tayo umuunlad kasi pinipili nating hanapan ng mali ang lahat ng bagay kesa kumilos para sa ikabubuti ng lahat. Tao lang ang Pangulo natin, kahit tayo ang lumagay sa katayuan nya-- hindi nya magagawa ng mag-isa ang lahat ng nire-request ng taong bayan kung may mga tao sa paligid nya na humihila sa kanya ng pababa. I'm not pro PNoy, pero kapansin-pansin naman na masyado na tayong walamg respeto sa isa't isa. Only in the Philippines does this happens.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  hurtlocker

    12/20/2011 | 02:35 PM
    They have the right to defend their brother but they are in no position to talk about it in public kasi may spokesperson ang Pres di ba? Ang problema kasi hinahanap at gustong makita ng Pinas ang assurance from the Pres lahit brief appearance lang sa TV or ng kung sino nyang spokesman eh wala eh. Kunag batikos at pagpapapogi ayun mabilis pa sa alas kwatro nasa media na eh kung crisis at tragedy wala super sa kabagalan. You cannot blame na batikusin sya kasi ang bagal bagal nya! Twice na to. Sa hostage crisis then now kay Sendong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  justme79

    12/20/2011 | 02:33 PM
    This is just a simple mistake, everyone has his own opinion damage has been, I think we have to move on and do the necessary to solve and help our Kababayans who are affected the calamities. We dont blame anyone specially the President, he has his own point of views and Im sure he try his best for HELPING the victims naman seguro...so lets move on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  gmabs27

    12/20/2011 | 02:28 PM
    higit sa lahat Pasko po ngayon, bakit ginagawang issue ang non-issue? Pangulo sya ng Pinas, ng mga taga CDO at ng PSG, masama ba mag-party kasama ang mga guards mo para naman sumaya ang Pasko nila? pag nagsaya ka ba sa Party ibig ba sabihin kinalimutan mo na ang mga nasalanta? kaya nga po may delegation of authority kasi di kaya ng Pangulo to be in too many places at the same time,,,ng dahil lang sa isang tweet react to death naman ang iba malay nyo habang nagpaparty sya panay monitor rin sa sitwasyon sa CDO,,, unfair naman yon na maghusga na hindi mo alam lahat ng ginagawa nya that time,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lifescapes17

    12/20/2011 | 02:27 PM
    I don't think kasalanan yun na for a short while, pumunta sya sa party ng mga taong nag-aalaga sa kanyang kaligtasan. Kung kayo maging presidente, m sure you will show value to your PSG. It was just a short while. Come on! That's North and South ha. Lahat naman dapat planuhin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lifescapes17

    12/20/2011 | 02:22 PM
    yeah, there's no argument naman na dapat bigyan din niya ng priority yung mga biktima. But it doesn't mean na andun siya sa party ay di na niya binigyang halaga yung mga tao. The first to act should be the local government units and other local agencies. I am sure Pnoy has already made the move to coordinate with the different agencies. Besides, it is just showing gratitude to an immediate family when he attended the party, in brief time na nga lang. In the same manner na kung tayo nasa posisyon niya, would do the same even for a short time. It did not take him his whole life to be there in the party.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • PinkButterfly

    12/20/2011 | 02:20 PM
    aminin man o hindi medyo mabagal talaga si PNoy kumilos... siempre hinahanap-hanap ng tao ang kanyang agarang pagtugon sa kalamidad... emergency iyon eh na mas higit na importante kaysa sa scheduled party... hindi naman dapat parating excuse ung kunwang pagpapapogi... kc kung sincere ka sa ginagawa mo kahit sabihin ng ibang nagpapapogi ka ay gagawin mo pa rin dahil malinis ang konsensya mo at tungkulin iyon ng isang pangulo... duty should come first... yan ang pinili nya eh... dapat gampanan nya... kc naniwala ang taong-bayan na mas magiging maayos ang pagpapatakbo ng gobyerno kung si PNoy ang mamumuno...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pedrohh

    12/20/2011 | 02:20 PM
    please naman wag niyo nang batikosin c PNOY tao lng yan nagkakamali din instead na magsisihan magtulongan na lng tayo at ipagdasa natin lahat ng apektado sa mindanao dahil yan ang pinaka mportante. kahit sinong presindente ganyan talaga may mga anti at pro kaya wala tayong asenso kasi walang pagkkaisa.. sa isipin natin ano ang maitutulong natin sa kapwa at magtulongan kaysa mag sisihan magbatikos wag natin husgahan c PNOY kasi TAO lng yan at ginagawa niya ang trabaho para sa kabutihan nating lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • exclusibo

    12/20/2011 | 02:19 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fANNEatic

    12/20/2011 | 02:12 PM
    buti pa AFP they cancelled their xmas party and the 3 million budget was donated.. i live here in CDO kun makita nyo lng kung gaano kalala nangyari dito.. kalunos-lunos.. mga classmates ko sa college sa ateneo de cagayan some are missing up to now and their families nawawala din.. yung iba nga buong pamilya talaga ang nawawala kaya maaring walang naghahanap sa kanila. and i just want to clarify na hindi lng yung beside the river bank ang binaha, kalat2x na parts ng CDO ang binaha. villages and subdivisions here in cdo binaha. yung bahang lampas tao talaga buti nlng nasa uptown village ako nakatira so di kami naapektahan pero pagbumaba ka downtown in just a 15 minute ride makikita nyo naang kalunos-lunos na epekto ng bagyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flourpower

    12/20/2011 | 02:02 PM
    bakit si KA ang mag-re-represent sa pres? legitimate ba yun? wala naman syang katungkulan sa gubyerno para i-represent ang pres. hay, kaloka ang gubyerno...pami-pamilya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flourpower

    12/20/2011 | 01:56 PM
    oo, constitutional din na pangalagaan ng pangulo ang bansang nasasakupan nya. kagaya ng psg, dpat ang pangulo eh handa ding ibuwis ang lahat para sa kapakanan ng bayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About