Kris Aquino cries after reading movie script requiring her to do love scene; prays hard for Dingdong Dantes to win Best Actor

Rose Garcia
Tuesday, December 20, 2011 @ 07:41PM  |  458 views

 

Kris Aquino on her reaction after reading the movie script requiring her to do a love scene: "Si Direk Chito [Roño]. Alam mo kung gaano kaprangka siya. Sinabihan niya ko. 'Hoy Krissy, Ms. Witch.' Witch ang tawag niya niya sa akin.'Kapag hindi mo pa ginawa 'to, tapos na, hindi ka na pagnanasaan. So, umoo ka sa akin na magla-love scene ka.' So, binasa ko, iyak ako nang iyak sa love scene."

Photo By: Noel Orsal













Muling nagbalik si Kris Aquino bilang guest co-host ng The Buzz noong Linggo, December 17.  

Pero bago siya isinalang sa live interview ng dalawang The Buzz hosts na sina Boy Abunda at Toni Gonzaga, nagbiro si Kris na parang pinag-host lang siya para ipamukha sa kanya na two years na siyang "alone" sa Christmas at walang lovelife.

May VTR messages kasi sa kanya ang ilang taong nakasama niya sa trabaho at naging kaibigan. Nagpahayag ang mga ito na pagdating sa trabaho, walang karate-arte at kakiyeme-kiyeme si Kris.

Gaya ng naging pahayag ni Angelica Panganiban, na co-star nila ni Dingdong Dantes sa Metro Manila Film Festival entry na Segunda Mano.

Sabi ni Kris sa mga sinabi sa VTR messages, "Gusto ko yun, walang kaarte-arte sa trabaho. Sa work.

"At least, yun ang importante. Na nte times ninyong inulit na queen without a king.

"How do I feel about that? Matutuwa ba ako na bumalik ako dito?

"Inapi-api n'yo lang ako. Pag-uwi ko ngayon, iiyak lang ako nang iiyak.

"'Yan ang gusto niyong ma-achieve? Ganoon?

"Yun ba ang gusto niyo para pag-uwi ko, depress na depress ako?

"Na, 'Oh my God, oo nga pala, two years na akong alone sa Pasko!' Ganun? Yun ang gusto mong mangyari, Boy?" biro nito kay Boy Abunda.

Natatawang sagot naman ni Boy: "Oo! Lahat masaya kapag ganyan ka."

Buwelta naman ni Kris, "Talaga? Lahat kayo masaya except me? O, sige na, ganyan na lang talaga ang buhay."

MARRIAGE PLANS? Sinundan naman ito ni Toni, na nagsabing akala raw niya ay wala nang planong magpakasal si Kris.

Sabat ni Boy, "Ayaw na namin siyang magpakasal ni Bimby."

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

63 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name