Masayang-masaya si Rachelle Ann Go sa naging pagtanggap ng mga tao sa pinakaunang musical play niya na The Little Mermaid.
Ang The Little Mermaid ay itinanghal sa Meralco Theater, Pasig City mula noong Nobyembre 18 hanggang Disyembre 11.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle kanina, Disyembre 21, sa set visit ng Kusina Master ng GMA-7 sa Studio 6, Annex Building ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.
Hindi raw inasahan ni Shin (palayaw ni Rachelle) na magugustuhan ng mga tao ang kanilang musical, lalo pa't ito ang pinakauna niyang theater play.
"Alam mo, nakakatuwa," bulalas niya.
"Hindi ko ine-expect na gano'n, na matutuwa, na madaming mag-e-enjoy.
"So, parang ako, nag-enjoy ako sa experience ko do'n.
"Although mahirap talaga 'yong every day na shows, rehearsals, nakakapagod talaga.
"Pero ang sarap sa pakiramdam, sobrang nag-enjoy ako, tsaka gusto ko siyang ulitin."
Bukod sa kakaibang karanasan, isa raw sa mahahalagang bagay na natutunan ni Rachelle sa teatro ay ang disiplina.
Kaya naman kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon ay nais niyang gumawa ulit ng isa pang musical.
"After kasi nito, sabi ko gusto ko gumawa ulit," pahayag niya.
"Kaso, next year, sabi ko nga, pahinga muna ako.
"Siguro after two years, ganyan.
"Mag-focus muna ako sa singing, i-promote ko muna 'yong album ko.




0

