PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rachelle Ann Go chooses to have "zero" lovelife

Rachelle Ann will not entertain suitors for now; says "Ngayon, focus ako sa trabaho."
by Joyce Jimenez
Published Dec 21, 2011
Rachelle Ann Go (in photo) on entertaining suitors: "Kasi ganito lang po 'yan, kasi pag mag-e-entertain ka, aasa lang 'yong tao, ayoko naman magpaasa ng tao."

Masayang-masaya si Rachelle Ann Go sa naging pagtanggap ng mga tao sa pinakaunang musical play niya na The Little Mermaid.

Ang The Little Mermaid ay itinanghal sa Meralco Theater, Pasig City mula noong Nobyembre 18 hanggang Disyembre 11.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle kanina, Disyembre 21, sa set visit ng Kusina Master ng GMA-7 sa Studio 6, Annex Building ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

Hindi raw inasahan ni Shin (palayaw ni Rachelle) na magugustuhan ng mga tao ang kanilang musical, lalo pa't ito ang pinakauna niyang theater play.

"Alam mo, nakakatuwa," bulalas niya.

"Hindi ko ine-expect na gano'n, na matutuwa, na madaming mag-e-enjoy.

"So, parang ako, nag-enjoy ako sa experience ko do'n.

"Although mahirap talaga 'yong every day na shows, rehearsals, nakakapagod talaga.

"Pero ang sarap sa pakiramdam, sobrang nag-enjoy ako, tsaka gusto ko siyang ulitin."

Bukod sa kakaibang karanasan, isa raw sa mahahalagang bagay na natutunan ni Rachelle sa teatro ay ang disiplina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon ay nais niyang gumawa ulit ng isa pang musical.

"After kasi nito, sabi ko gusto ko gumawa ulit," pahayag niya.

"Kaso, next year, sabi ko nga, pahinga muna ako.

"Siguro after two years, ganyan.

"Mag-focus muna ako sa singing, i-promote ko muna 'yong album ko.

"Kasi naudlot, e, kasi nag-release ako ng album last year, tapos biglang nag-musical ako.

"So, hindi ko na-promote 'yon. So, ngayon, balik ako sa album."

ZERO LOVELIFE. Samantala, kung matagumpay ang career ni Rachelle, "zero" naman daw ang kanyang buhay pag-ibig.

Ayaw daw kasi niyang "maghanap" ng lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso, at gusto niya munang bigyan pansin ang kanyang career.

Matatandaan na nitong Hunyo ay nagkahiwalay si Rachelle at ang ex-boyfriend niyang si John Pratts. (CLICK HERE for related article.)

Ayon sa singer, "Kasi ganito lang po 'yan, kasi pag mag-e-entertain ka, aasa lang 'yong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag nag-entertain ka, aasa lang 'yong tao, ayoko naman magpaasa ng tao.

"Kung alam ko lang na walang future, tsaka hindi ako ready.

"Ngayon, focus ako sa trabaho.

"Tsaka masaya ako, e, hindi ko kailangan ng someone to make me feel special, to make me feel loved.

"Parang, okay ako ngayon, bakit ko kailangan, para lang kiligin, ayoko, ayoko naman.

"So deadma na lang muna."

Read Next
Read More Stories About
Rachelle Ann Go
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rachelle Ann Go (in photo) on entertaining suitors: "Kasi ganito lang po 'yan, kasi pag mag-e-entertain ka, aasa lang 'yong tao, ayoko naman magpaasa ng tao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results