Bukod sa mga intriga at kontrobersiya, may mga pagkakataon din sa taong 2011 na maipagmamalaki ng mga Pilipino.
Ilan sa mga ito ay hatid ng mga kapwa nating Pilipino na nagbigay karangalan sa atin sa iba't ibang bansa.
Tulad ng Pinoy Boxing Champ na si Manny Pacquiao. Muling nagwagi ito sa mga laban niya kina Shane Mosley ng Amerika at Juan Manuel Marquez ng Mexico.
Kasama rin sa ikinatuwa ng mga Pilipino sa 2011 ay ang pagkakasama nina Shamcey Supsup at Gwendolyn Ruais sa top five winners ng mga beauty pageants na Miss Universe at Miss World.
Sa larangan naman ng pag-arte, hindi nagpatalo ang ating mga local singers na sina Christian Bautista at Karylle sa Singaporean drama series na The Kitchen Musical.
Kasama nila sa naturang musical TV series ang ilan pang Pinoy actos na sina Ikey Canoy, Arthur Acuña, at Thou Reyes.
Ilang lamang sila sa mga karapat-dapat na ikarangal ng mga Pilipino ngayong taon. Patunay ito na kahit itinuturing ang Pilipinas bilang isang "third world country," may mga kakayanan pa rin tayo na kayang ipagmalaki sa mundo.





0

