On December 26, the Brazilian-Japanese model turned TV host and comedian Fabio Ide will turn a year older.
He will celebrate his 25th birthday a day after Christmas.
Maraming gustong ipagpasalamat si Fabio sa mga magagandang nangyari sa kanyang career nitong 2011.
Naging pinaka-busy year ni Fabio ang 2011, kung saan nagkasunud-sunod ang kanyang TV shows sa GMA-7.
Naging co-host siya ng Comedy Bar kasama sina Eugene Domingo at Allan K; naging segment host siya ng entertainment show na Tweetbiz; nakasama siya sa sitcom na Andres de Saya; at nakasama rin siya sa cast ng telefantasyang Dwarfina.
Yun nga lang, nawala na sa ere ang mga nabanggit na shows.
Ayon kay Fabio, "It was definitely a busy year for me, and I am very thankful to God because I was able to make people happy, make people laugh.
"Yun naman ang gusto ko, e, kasi funny person ako in real life.
"I'm happy to have done all those shows because I was able to save up and do some travelling.
"Kasi ngayon, wala na lahat ng shows na 'yan.
"It's a good thing that I know how to save and spend my earnings well."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Fabio sa thanksgiving dinner ng Mercator Model and Artist Management ni Jonas Gaffud kamakailan.
Plano pala sana ni Fabio na umuwi sa Brazil para makasama ang kanyang pamilya for Christmas.
Pero nag-decide itong ipagpaliban na lang ang pag-uwi niya next year dahil magkakasunod ang mga shows na ginagawa niya ngayong holiday season.
"It was really my plan to fly to Brazil and be with my family.




0

