PART 1. Jolo Revilla says he's not courting Kris Bernal, yet: "Friendship lang talaga."

Ruben Marasigan
Thursday, December 22, 2011 @ 12:05PM  |  10256 views

 

Jolo Revilla on Kris Bernal (inset): "Para sa akin, maganda naman siya. Simple lang siya. At mukhang mabait naman siya. Kumbaga, siguro bago n'yo isiping nililigawan, mas magandang kaibiganin muna, di ba?"

Photo By: Sany Chua













Sa special screening ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Panday 2 noong Lunes, December 19, sa SM Megamall, biniro ng ilang miyembro ng media si Jolo Revilla tungkol kay Kris Bernal. 

Balita kasing pinopormahan ngayon ang young actress ni Jolo, na kasama ng kanyang amang si Senator Bong Revilla, Jr. sa pelikula.

"Friendship lang," nangingiting sabi ni Jolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). 

"Acquaintance lang 'yong sa amin.

"Wala. Friendship lang talaga.

"Nagulat naman ako na biglang napag-usapan 'yon no'ng presscon nina Papa [Bong]!" sabay tawa ng young actor tungkol sa pagtatanong ng press kay Kris tungkol sa kanya sa presscon ng Panday 2.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ba ang masasabi niya tungkol kay Kris?

"Para sa akin, maganda naman siya. 

"Simple lang siya. At mukhang mabait naman siya.

"Kumbaga, siguro bago n'yo isiping nililigawan, mas magandang kaibiganin muna, di ba?" saad ng young actor.

So, iyon ang ginagawa niya ngayon, kinakaibigan muna niya si Kris?

"Hindi... Kumbaga, tingnan natin. Masyado pa rin namang maaga para diyan, e," nakangiti niyang sagot.

Matagal na ba siyang may paghanga kay Kris?

"Ina-admire? Siguro nagagandahan.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name