PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PART 1. Jolo Revilla says he's not courting Kris Bernal, yet: "Friendship lang talaga."

Jolo also says he's ready to fall in love again.
by Ruben Marasigan
Published Dec 22, 2011
Jolo Revilla on Kris Bernal (inset): "Para sa akin, maganda naman siya. Simple lang siya. At mukhang mabait naman siya. Kumbaga, siguro bago n'yo isiping nililigawan, mas magandang kaibiganin muna, di ba?"

Sa special screening ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Panday 2 noong Lunes, December 19, sa SM Megamall, biniro ng ilang miyembro ng media si Jolo Revilla tungkol kay Kris Bernal.

Balita kasing pinopormahan ngayon ang young actress ni Jolo, na kasama ng kanyang amang si Senator Bong Revilla, Jr. sa pelikula.

"Friendship lang," nangingiting sabi ni Jolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Acquaintance lang 'yong sa amin.

"Wala. Friendship lang talaga.

"Nagulat naman ako na biglang napag-usapan 'yon no'ng presscon nina Papa [Bong]!" sabay tawa ng young actor tungkol sa pagtatanong ng press kay Kris tungkol sa kanya sa presscon ng Panday 2.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ba ang masasabi niya tungkol kay Kris?

"Para sa akin, maganda naman siya.

"Simple lang siya. At mukhang mabait naman siya.

"Kumbaga, siguro bago n'yo isiping nililigawan, mas magandang kaibiganin muna, di ba?" saad ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, iyon ang ginagawa niya ngayon, kinakaibigan muna niya si Kris?

"Hindi... Kumbaga, tingnan natin. Masyado pa rin namang maaga para diyan, e," nakangiti niyang sagot.

Matagal na ba siyang may paghanga kay Kris?

"Ina-admire? Siguro nagagandahan.

"Pero ngayon, nagulat ako, liligawan agad?

"Friendship siguro muna.

"Friendship lang muna."

Kung sabagay, kabi-break lang ni Kris at ng singer na si Jay Perillo.

Sabi naman ni Jolo, "Huwag nating pangunahan. Huwag nating i-pressure.

"At saka...kilalanin muna natin!" sabay tawa niya.

Ano ang nakita niya kay Kris para ma-attract siya rito?

"'Yong pagiging simple niya. Pero, friendhip lang nga muna."

Kagabi, December 21, ay nagpadala ng mga bulaklak si Jolo kay Kris sa premiere night ng Panday 2 sa SM Megamall.

FALLING IN LOVE AGAIN. Ready na bang magmahal ulit ang puso ni Jolo?

"Siguro...tingnan natin.

"Matagal-tagal na rin naman tayong nagpahinga, e."

Sa pagkakaroon ng karelasyon ang ibig sabihin ni Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling nabalitang naging girlfriend ni Jolo ay si Lovi Poe.

"Siguro, handa na nga ulit umibig ang isang Jolo Revilla ngayon!" sabay tawa ulit niya.

Parang sobrang masaya nga siya ngayon?

"Hindi naman!

"Uhm...Binondo Girl! Bumalik na ako sa Binondo Girl!" tawa uli ni Jolo, sabay banggit sa primetime series ng ABS-CBN, kung saan leading man siya ni Kim Chiu.

Read Next
Read More Stories About
Jolo Revilla, Kris Bernal
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolo Revilla on Kris Bernal (inset): "Para sa akin, maganda naman siya. Simple lang siya. At mukhang mabait naman siya. Kumbaga, siguro bago n'yo isiping nililigawan, mas magandang kaibiganin muna, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results