Pagkatapos ng pag-amin ni KC Concepcion na hiwalay na sila ni Piolo Pascual, maraming lumabas na espekulasyon na lilisanin na raw nito ang ABS-CBN, at lilipat na sa TV5 upang sundan ang kanyang ina na si Sharon Cuneta.
Ngunit kahapon, December 21, tinuldukan na ni KC ang isyung lilipat siya ng network.
Kumpirmadong Kapamilya pa rin si KC.
Pumirma siyang muli ng exclusive contract sa ABS-CBN.
Present sa contract signing ang ABS-CBN executives na sina Charo Santos-Concio (president), Cory Vidanes (channel head), at Linggit Tan (SVP for Entertainment TV); at ang bagong manager ni KC na si Vic del Rosario ng Viva Entertainment, Inc.
Pahayag ni KC sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, "Dito ako lumaki sa ABS, so siyempre nandito pa rin ako.
"I'm very happy that I'm still with ABS and that I have exciting projects.
"Nandiyan yung Alta, kasama ko sina Gretchen Barretto, sina Angelica [Panganiban].
"Uhm...yun, matagal na talaga naming pinaghahandaan.
"Nandoon din ang...bagong hosting na show.
"Talagang gusto kong ituloy ang hosting ko.
"Makikita n'yo ako on ASAP every Sunday."
NEW HAIRDO. Samantala, hindi inaasahan ng marami ang pagpapagupit ni KC ng kanyang buhok.
Paliwanag niya, dahil sa nagustuhan niyang buhok sa isang larawan, naisipan nito na magkaroon ng bagong hairstyle.
Kuwento ni KC, "E, nakaupo na ako do'n—nakakita ako ng gunting, sabi ko kay Ate Celeste Tuviera, 'Teh, kaya mo bang gupitin yung hair ko today?'




0

