Rufa Mae Quinto will celebrate first Christmas without Lola Lucing; still looking for a man, "yung swak sa akin"

Ruel J. Mendoza
Friday, December 23, 2011 @ 07:45AM  |  8943 views

 

"Nakakatawa nga, di ba? Ako itong dapat matagal nang ikinasal, pero mas nauna pang ikinasal si Regine [Velasquez-Alcasid] at si Pia [Guanio-Mago] kesa sa akin. 'Tapos, kelan lang, sila Jolina [Magdangal-Escueta] at Kyla [Alvarez] naman ang mga kinasal na. Parang, 'Ano ba?' di ba? Kaya naniniwala ako sa destiny. Kung siya yung nakatakda sa iyo, kayo talaga, kaya swak! Pero, who knows? Baka next year, doon ko na mahanap ang taong swak sa akin. Yung dadalhin ako to the highest level!" says Rufa Mae Quinto.

Photo By: Ruel J. Mendoza













Ngayong Pasko, may nararamdamang lungkot si Rufa Mae Quinto dahil ito ang unang Christmas na ipagdiriwang nila ng kanyang pamilya na wala ang minamahal nilang si Luisa Vergara Peña—o mas kilala bilang si Lola Lucing.

Pumanaw noong August 8, 2011, ang lola ni Rufa Mae dahil sa sakit na colon cancer. She was 86 years old.

Inamin ng sexy comedienne na labis siyang nasaktan nang mawala ang taong itinuring niyang isang tunay na ina.

Sabi ni Rufa Mae, "Lahat naman ng close sa akin, alam nila kung gaano ko kamahal si Mama Lucing.

"Mawala na ang lahat sa tabi ko, mawalan na ako ng kakampi, basta si Mama nasa tabi ko, masaya na ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae sa taping ng Christmas episode ng Showbiz Central noong December 18.

Dagdag pa niya, "Proud kong sabihin na lola's girl ako.

"Si Mama [Lola Lucing] kasi ang nagpalaki sa akin. Siya yung nakalakihan kong nanay ko.

"Lahat ng nangyari sa buhay ko, alam ni Mama, kaya masakit para sa akin na mawala siya.

"Kaya ngayong Christmas, parang ang hirap isipin nga na she's gone.

"Every Christmas kasi, may party sa bahay. Kahit kami-kami lang. Ang dami naman kasi namin.

"Magpapa-raffle pa 'yang si Mama. Kaya ang saya-saya namin every Christmas.

"Ngayon, medyo tahimik kami, kasi nga malungkot ang lahat.

"Mahal naming lahat si Mama kaya saan man siya ngayon, alam ko na gusto niyang maging happy kami ngayong Pasko.

"Kaya we will do our best para kahit papa'no, kahit wala na si Mama, merry pa rin ang Christmas namin."

1  2  3  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name