Bukod sa trabaho, nagmistulang maiksing bakasyon na rin para sa aktor na si Tyron Perez ang ginanap na "Traverse Ilocos Sur" adventure challenge noong nakaraang Sabado, Disyembre 17, sa probinsiya ng Ilocos.
Sa naturang event, nag-unahan ang limang grupo na may tig-tatlong miyembro para matapos ang iba't ibang hamon sa kanila ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Sur.
Ilan sa mga ito ay ang pagluto ng local delicacies, pag-hulma ng mga banga, paghabi ng Abel, at ang mga physical activities na matatagpuan sa pinakabagong Ilocos Sur Adventure Zone.
Ayon kay Tyron, na kasama sa grupong nagwagi sa challenge, 'Sobrang sulit ang mga nagawa namin, lalo na 'yong mga challenges.
"Kumbaga, mahirap siya pero masarap gawin. Kung nagagawa mo 'yon, nag-e-enjoy ka.
"'Tapos 'yong mga taong nakapalibot dito, sobrang ang babait nila. Dahil doon, nag-enjoy kami."
NO DEFINITE CHRISTMAS PLANS. At dahil napag-usapan na rin ang bakasyon, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may balak siyang magbakasyon ngayong darating na Pasko.
Umiling si Tyron at sinabi na, "Wala pang plan. Wala pang plano dahil may trabaho."
Ang tinutukoy ng dating StarStruck avenger ay ang non-showbiz wife niya na isang flight attendant. (CLICK HERE to read related article)
Ayon kay Tyron, may biyahe raw pa-abroad ang kanyang asawa kaya hindi pa niya alam kung paano magdiriwang ng Pasko ngayong taon.
Sabi pa niya, 'Magkalayo kasi kami, e. Flight attendant siya, e.
"Hindi ko lang alam [kung ano ang mangyayari].
"Hindi kasi ako nagpa-plan, e. Minsan siya ang nagpa-plan.
"Minsan sinu-surprise niya ako."
Kung sa ilan ay mahirap ang ganitong sitwasyon, si Tyron ay nasanay na.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 angel25
8 bangenge
7 fatedtoloveyou25
6 TigerPack
5 milk_tea
4 touch_of_class
3 Lokotoy
2 numerouno1234
1 dreicute