Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story director Tikoy Aguiluz filed a complaint for damages, with application for Temporary Restraining Order, with the Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) to restrain producers from using his name in promo materials and film credits of the movie.

Photo: Jocelyn Dimaculangan


Isang feed ang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na inaprubahan na diumano ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang hiningi ni direktor Tikoy Aguiluz na sampahan ng Temporary Restraining Order (TRO) ang mga prodyuser ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Ang  IPOPHL ang sangay ng gobyernong nangangalaga at nagpoprotekta sa mga gawa at ideya ng artists, inventors, scientists, at iba pang "gifted citizens" laban sa mga nagnanakaw o sumisira sa mga gawa o ideya nila.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagkadismaya ni Direk Tikoy nang mapabalitang nagpa-reedit at nagpa-shoot ng mga dagdag na eksena ang lead star ng Manila Kingpin na si Laguna Governor ER Ejercito at ang mga prodyuser ng pelikula.

Hindi raw nagustuhan ng mga ito ang mabagal na pacing ng pelikula ni Direk Tikoy.

Kinumpirma mismo ni ER ang usap-usapang ito sa panayam sa kanya matapos ng premiere ng Manila Kingpin nung December 17. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay ER, hindi niya nagustuhan at di rin nagustuhan ng mga prodyuser ang pacing ng pelikula, kaya raw sila nagdesisyong kumuha ng mga bagong team para mag-edit muli ng pelikula at maglapat muli ng musika.

Katuwiran ni ER, prerogative daw ng producer na ipa-reedit ang pelikula dahil ang producer daw ang laging may "last say."

Binanggit pa ni ER ang paghingi niya ng opinyon mula kina Viva Films producer Vic del Rosario at Regal Films boss Mother Lily Monteverde tungkol sa pagkakaroon nga ng "last say" ng producer sa isang pelikula.

Ayon pa kay ER, habang-hanga siya sa paggawa ng magagandang visuals ni Direk Tikoy, ngunit ibang usapan na raw pagdating sa editing at music.

Kinailangan daw nilang kumuha ng mga espesyalista pagdating sa mga parteng iyon ng pelikula.

Dagdag pa niya, kahit na ipinatatanggal ni Direk Tikoy ang pangalan niya sa credits ng Manila Kingpin dahil sa mga kaganapang ito, hindi raw niya pagbibigyan ang hiling ng direktor.

Mananatili raw ang pangalan nito.

Heto ang kabuuan ng nakarating na feed sa PEP:

The Intellectual Property Office has granted Direk Tikoy Aguiluz's application for a Temporary Restraining Order against the producer of the Asiong Salonga film.

 

The order, dated Dec 23, was issued after the IPO hearing officer and its approving officer found merit to the complaint for damages with application for TRO.

 

The case stemmed from the unauthorized re edit, re shoot and music laying of the producer of the movie directed by Tikoy Aguiluz.

 

Now, the producer and the management of the cinemas must abide by the TRO or face sanctions.