PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon flies to Cagayan de Oro to help with flood relief efforts of Kapuso Foundation

Ryza's birthday wishes: "Good health, peace of mind, at saka more projects."
by Rose Garcia
Published Dec 23, 2011
Ryza Cenon on spending Christmas on the streets: "Ginawa ko na siya last year, namimigay kami ng foods. Kasi sabi ko nga, 'Bakit may iba na ganoon, nagki-Christmas sila, pero natutulog sila sa kalsada.' Sabi ko, 'Bakit hindi ko i-try na magbigay ng pagkain, sa kanila mag-spend ng Christmas. And then, after na lang na mamigay, doon na lang tayo kumain.'"

First taping day kahapon, December 22, ni Ryza Cenon para sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Legacy.

Pero pagkatapos ng taping niya, lilipad na siya papuntang Cagayan de Oro, kasama ang grupo ng Kapuso Foundation.

Tutulong daw siyang mamigay ng relief goods sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Sendong.

Napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ryza na doon na magpapaabot ng Pasko ang mga taga-Kapuso Foundation.

SPENDING CHRISTMAS ON THE STREETS. Nakaugalian na ni Ryza na ipagdiwang ang Pasko sa pamamagitan ng paglilibot sa mga kalye upang mamigay ng pagkain sa mga higit na nangangailangan.

Lahad ni Ryza, "Ginawa ko na siya last year, namimigay kami ng foods.

"Kasi sabi ko nga, 'Bakit may iba na ganoon, nagki-Christmas sila, pero natutulog sila sa kalsada?'

"Sabi ko, 'Bakit hindi ko i-try na magbigay ng pagkain, sa kanila mag-spend ng Christmas? And then, after na lang na mamigay, doon na lang tayo kumain.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa Kapuso young star, dapat din niyang ibahagi sa mga nangangailangan kung anuman ang blessings na meron siya.

"Yun naman, e...kahit naman wala po akong work, bina-budget ko ang kinita ko the whole year para lang mag-share.

"Meron din ako sa December 27 sa PCMC, sa Philippine Children's Medical Center.

"Actually, it's more on event ng tita ko.

"Sabi ko, sama ako. Mamimigay ako ng toys.

"Ganun...parang pang-third year ko na po.

"At ang ginawa ko naman ngayon, dahil hindi pa ako nakakapag-spend ng Christmas with my fans, ini-invite ko naman sila para mag-volunteer.

"Para kaming lahat, nandoon [sa Cagayan de Oro] para mag-volunteer at makatulong."

Normally, sinasalubong ni Ryza ang Pasko sa lansangan upang mamahagi ng mga pagkain.

Tuwing mismong araw ng Pasko naman ay sumasama siya sa boyfriend niya sa Cavite para sa family Christmas party nito.

HAPPY CHRISTMAS. Para kay Ryza, isa sa pinakamasayang taon niya ang 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang saya, sobrang dami ng blessings!" bulalas ni Ryza.

"Machete, tapos nagkaroon ng Time of My Life.

"So, masaya po siya na sobrang challenging."

Dagdag pa niya, "Kasi, after ng Time..., nagkaroon ako ng sakit. Nagkaroon ako ng pneumonia.

"Pero hindi naman ako na-confine, kaso ubo ako nang ubo.

"At that time, during Time..., nagpapatanggal na nga po ako kasi parang hindi na kaya, kailangan ko nang magpahinga.

"Pero dahil patapos na rin, tapusin ko na. Nagkataon lang na puro sayaw."

HEART PROBLEM. Pero bukod sa pneumonia, nakitaan din daw siya ng arrhythmia, o irregular heartbeat.

Ayon kay Ryza, may ilang segundo raw na tumitigil ang pagtibok ng puso niya.

Kuwento nga niya, "Kung minsan, kapag inaatake ako, manhid ang buong katawan ko, hanggang ulo.

"Kapag sobrang stressed.

"Bago nga ako umalis ng Hong Kong, nag-ganoon ako. So, nakakatakot.

"Kapag manhid kasi, mabigat.

"So far, hindi pa ako tapos sa mga tests ko. Hindi pa ako nakakapag-run.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kailangan daw kasing makita sa stress. So, yun ang challenging sa akin.

"Sa side pala ng Cenon, meron talagang heart problem."

Ang apelyidong Cenon ay sa side ng mother niya, na namatay dahil sa colon cancer noong two years old pa lang si Ryza.

"Ngayon po, hindi na ako nagpapa-stress!" natatawang pahabol pa ng StarStruck alumna.

GUARANTEED CONTRACT. Ngayong taon din nagkaroon ng guaranteed contract for six years sa GMA-7 si Ryza.

Isa raw ito sa itinuturing ni Ryza na magandang nangyari sa kanya.

Ano naman ang expectations niya for 2012?

"Sa expectation, yun lang naman, lahat naman, after ng another project, meron agad.

"Guaranteed ka, so ine-expect mo rin na hindi ka mababakante."

Ang susunod ngang project ni Ryza sa 2012 ay ang Legacy.

Saad niya, "Ako naman po, happy naman po ako basta may work. Yun lang.

"At plano ko rin na palitan ang car ko. Magsi-six years na ito. So, sana po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ryza turned 24 last December 21. Pero nauna na raw niya itong i-celebrate nang magpunta siya ng Hong Kong.

Ano naman ang birthday wish niya?

Ayon kay Ryza, "Ano lang po, good health at saka peace of mind.

"Nag-wish din ako sa Buddha sa Hong Kong, yun lang din ang wish ko—good health, peace of mind, at saka more projects."

Read Next
Read More Stories About
Ryza Cenon, Legacy, GMA-7
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on spending Christmas on the streets: "Ginawa ko na siya last year, namimigay kami ng foods. Kasi sabi ko nga, 'Bakit may iba na ganoon, nagki-Christmas sila, pero natutulog sila sa kalsada.' Sabi ko, 'Bakit hindi ko i-try na magbigay ng pagkain, sa kanila mag-spend ng Christmas. And then, after na lang na mamigay, doon na lang tayo kumain.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results