"Feeling ko naman, nagawa ko yung New Year's resolution ko ng 2011—mag-focus sa work at maging seryoso. So ngayon, sana yun lang, tuluy-tuloy lang ang attitude ko when it comes to work," says JC Tiuseco.

Photo: Erwin Santiago

Kung last year ay sa Hong Kong nag-celebrate ng Pasko ang Kapuso hunk na si JC Tiuseco, ngayong taon ay dito sa bansa niya ito ipagdiriwang kasama ang kanyang buong pamilya.

Kuwento ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Usually kasi, sa Christmas eve, sa bahay lang kami. Kapag noche buena, sama-sama. 

"Tapos sa Christmas day naman, pumupunta kami sa bahay ng auntie namin.

"Madalas naman hindi kami nag-a-out-of-town, dito kami usually with family, relatives. 

"Last year lang talaga yung nag-Hong Kong kami."

Tulad ng nakagawian na ng marami kapag Pasko, tinitiyak ni JC na bigyan ng regalo ang mga mahal sa buhay. At nitong mga nakaraang taon nga raw ay siya ang personal na namimili ng Christmas gifts niya.

Aniya pa, "Wala rin naman kasi akong mauutusan na bibili. At saka, mas masaya naman ikaw mismo yung personal na bibili. 

"Unang-una, mas may idea ka kung ano ang gusto mong ibigay sa kanila."

Nang makausap ng PEP si JC sa thanksgiving dinner ng Mercator Model and Artist Management, hindi pa raw siya nagkakaroon ng oras para makapamili dahil sa taping ng afternoon soap na Kokak.

Nakangiti niyang sabi, "Hindi pa. Puro taping pa. So, wala pang time. 

"Kapag may extra time naman ako, nagpupunta ako sa rehab. Therapy for my knee. 

"Hanggang March pa yung therapy kasi six months siya.

"Okay naman yung knee ko ngayon, mas malakas na siya after the operation. 

"Although, minsan may konting kirot. Pero, okay naman."

MALAMIG NA CHRISTMAS. Matagal-tagal na ring sinasabi ni JC na wala siyang lovelife. Ang huling na-link sa kanya at balitang nakarelasyon niya ay si Maxene Magalona.