Sinundan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Bong Revilla sa kanyang LRT Tour kahapon, December 23, bilang bahagi ng pagpu-promote ng pelikulang Panday 2.
Ang Panday 2 ang entry ng GMA Films at ng Imus Productions, na pagmamay-ari ng mga Revilla, sa Metro Manila Film Festival 2011.
Magsisimula na ang MMFF bukas, December 25.
Isiningit pa rin namin ang tanong kay Senator Bong tungkol sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya sa kasong pagpaslang kay Ramgen Revilla, pero tumanggi itong magkomento.
Ang isa raw concern nila ngayon ay ang kanilang amang si dating Senator Ramon Revilla Sr., na nagpapalakas pa rin ngayon.
Sabi ng actor-politician, "Okay naman si Daddy.
"Basta ang wish lang namin ngayong Pasko na sana sumaya siya.
"Gagawin namin ang lahat para sumaya lang siya ngayong Pasko."
Nakausap din ng PEP ang asawa ni Bong na si Representative Lani Mercado.
Yun naman daw ang dasal ng pamilya, na sana ay sumaya ang dating senador.
Hanggang ngayon kasi ay dinadamdam pa raw nito ang nangyari kay Ramgen at ang resulta ng imbestigasyon.
Idinadawit sa pagpatay kay Ramgen ang tatlong nakababatang kapatid nito na sina Ramona, Ramon Joseph, at Gail.
Ayon kay Lani, "Madalas na alam kong nakakapanood ng balita si Daddy.
"Ang wish din namin, siyempre, ang maging masaya siya, na magsama-sama kami na buong pamilya.
"May mga bagay na dapat tayong ipagdasal kay Daddy, na matapos na rin yung dinadaanan niya.




0

