PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla and wife Representative Lani Mercado will do everything to make former Senator Ramon Revilla Sr. happy this Christmas

The celebrity couple keep mum about Ramgen Revilla murder case.
by Gorgy Rula
Published Dec 24, 2011
Representative Lani Mercado (in photo with husband Senator Bong Revilla, Jr.) on father-in-law, former Senator Ramon Revilla, Sr.: "Madalas na alam kong nakakapanood ng balita si Daddy. Ang wish din namin, siyempre, ang maging masaya siya na magsama-sama kami na buong pamilya. May mga bagay na dapat tayong ipagdasal kay Daddy, na matapos na rin yung dinadaanan niya."

Sinundan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Bong Revilla sa kanyang LRT Tour kahapon, December 23, bilang bahagi ng pagpu-promote ng pelikulang Panday 2.

Ang Panday 2 ang entry ng GMA Films at ng Imus Productions, na pagmamay-ari ng mga Revilla, sa Metro Manila Film Festival 2011.

Magsisimula na ang MMFF bukas, December 25.

Isiningit pa rin namin ang tanong kay Senator Bong tungkol sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya sa kasong pagpaslang kay Ramgen Revilla, pero tumanggi itong magkomento.

Ang isa raw concern nila ngayon ay ang kanilang amang si dating Senator Ramon Revilla Sr., na nagpapalakas pa rin ngayon.

Sabi ng actor-politician, "Okay naman si Daddy.

"Basta ang wish lang namin ngayong Pasko na sana sumaya siya.

"Gagawin namin ang lahat para sumaya lang siya ngayong Pasko."

Nakausap din ng PEP ang asawa ni Bong na si Representative Lani Mercado.

Yun naman daw ang dasal ng pamilya, na sana ay sumaya ang dating senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon kasi ay dinadamdam pa raw nito ang nangyari kay Ramgen at ang resulta ng imbestigasyon.

Idinadawit sa pagpatay kay Ramgen ang tatlong nakababatang kapatid nito na sina Ramona, Ramon Joseph, at Gail.

Ayon kay Lani, "Madalas na alam kong nakakapanood ng balita si Daddy.

"Ang wish din namin, siyempre, ang maging masaya siya, na magsama-sama kami na buong pamilya.

"May mga bagay na dapat tayong ipagdasal kay Daddy, na matapos na rin yung dinadaanan niya.

"Kasi malaking pagsubok talaga ang 2011 sa kanya."

Ngayong Pasko ay magsasama-sama raw silang lahat sa tahanan ni dating Senador Revilla dahil ang hiling nito ay makasama ang mga anak niya.

Iyon lang naman daw ang tamang pagkakataon na magsasama-sama sila at madadalaw nila ang kanilang Daddy.

Kuwento pa ni Lani, "Si Jolo, madalas na pumupunta sa kanya dahil magkatabing bahay talaga sila ni Daddy. Kaya lagi siyang pumupunta.

"Active naman siya, umiikot sa compound. He takes things day by day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Excited siya na mapanood siyempre ang Panday 2."

Dagdag pa ng actress-politician, "We always pray for him, na sana huwag naman siya dinadalaw ng kalungkutan.

"Siyempre, hindi naman mawawala iyan, once in a while meron.

"Pero ang alam ko, he's taking it easy."

Pagdating sa kaso ng pagpatay kay Ramgen ay ayaw ring magkomento ni Lani.

Sinusubaybayan naman daw nila ito, pero mabuting huwag na raw itong pag-usapan.

Saad ni Lani, "We're all praying for the right things to happen.

"Basta 'pinagdadasal namin na sana mabigyan din ng hustisya si Ramgen.

"Masakit man ang nagiging resulta ng imbestigasyon, we really have to face it.

"Pero hindi pa naman tapos ang imbestigasyon, nandiyan pa rin ang kaso.

"We always pray for the best, and not the worst."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Representative Lani Mercado (in photo with husband Senator Bong Revilla, Jr.) on father-in-law, former Senator Ramon Revilla, Sr.: "Madalas na alam kong nakakapanood ng balita si Daddy. Ang wish din namin, siyempre, ang maging masaya siya na magsama-sama kami na buong pamilya. May mga bagay na dapat tayong ipagdasal kay Daddy, na matapos na rin yung dinadaanan niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results