May ilang linggo na ring usap-usapan ang ukol sa umano'y relasyong namamagitan sa Bossing ng Eat Bulaga! na si Vic Sotto at isa sa mga co-hosts nitong si Pauleen Luna.
Sa birthday show ni Allan K kamakailan, nakunan ng Startalk TX ang reaksyon ng mga Dabarkads na sina Allan at Ruby Rodriguez, at mismong si Pauleen.
Ayon kay Ruby...
"Isa ako sa hindi nangingialam. Ganito lang yan kasimple; kung saan masaya si Poleng dun ako masaya. So kung anuman at sinuman iyon, masaya ako for her."
Ganito rin ang reaksyon ni Allan.
"Ako kung saan happy si Poleng, happy na rin ako. Basta happy ang mga friends ko, happy rin ako."
Sa kanyang pagkakaugnay kay Bossing, ito lang ang pakiusap ni Pauleen...
"For me lang, whatever it is, kung meron or wala, parang I just wanna keep things private. I wanna keep things private first.
"I wanna keep things private kung anuman ang nangyayari sa buhay ko, I think I owe it to myself."
Ang comment naman ni Pauleen sa mga intriga about the issue...
"Deadma na lang! Kasi I know naman, alam naman namin kung ano talaga yung nangyayari and the comments [don't] really matter.
"Kasi as long as you know. As a person, I know the truth. You know the truth, kung anuman yung pinagdadaanan, dapat hindi ka naaapektuhan ng mga ibang tao."
Hindi raw siya apektado.
At happy si Pauleen.
"Ako as a whole, ha? Masaya, ang daming...I'm looking forward to 2012 meron kaming [Pauleen's family] bahay na pinapatayo and hopefully new projects for me."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
42 MarkLapid
41 rhiann3
40 milomilo123
39 Cypressgard
38 Lucifermin
37 RipeMangoShake
36 periwinkleblue
35 kewl
34 flow246
33 demita15
32 Lokotoy
31 myrth
30 gott4L3nt
29 myrth
28 yukie85
27 lanalang08
26 dreamer
25 jams_mom
24 kalurkey
23 myca_bag
more comments