PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chuckie Dreyfus blames vertigo for his elimination on Survivor

With Chuckie out of the race, he becomes the first member of the jury.
by Rommel R. Llanes
Published Dec 25, 2011
Chuckie Dreyfus says he was hurt by what Maria Isabel Lopez said about his mother: "Nung napanood ko na mismo sa TV ang sabi niya [Maribel Lopez], 'Ano ang pakialam ko kung may sakit ang nanay niya? Kung may kanser ang nanay niya?' Hindi ako ipokrito, tao lang ako, nasaktan ako. Siguro she could have said it in a better way."

Matinding vertigo ang dumale sa Survivor castaway na si Chuckie Dreyfus.

Sa kanyang palagay, iyon ang naging mitsa ng kanyang pagkakatanggal noong Biyernes ng gabi sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

"I could have gone longer kaya lang nga, perhaps siguro dahil sa nararamadaman ko masama ang pakiramdam ko," pahayag ni Chuckie kahapon, December 24, sa taped interview sa kanya ng Startalk TX.

"Ang pinakamalaking threat naman diyan yung mga magaling makisama, hindi lang sa lakas at sa talino."

Gayunpaman malaki ang pasasalamat ni Chuckie sa mga nagmalasakit sa kanyang kalagayan.

"Salamat sa mga taong tumulong sa akin, maraming tumulong sa akin, lalo na sa taga-Bulan, mga hindi ko inaakalang tutulong pero talagang... sina KC [Montero], sina Gino [dela Peña], sina Arnold [Aninion], actually silang lahat, I'm very, very thankful. Alam ko yung pag-aalala nila."

Ikinagulat ba ni Chuckie ang desisyon sa Tribal Council?

"Hindi na rin talaga ako masyadong nagulat, yun bang... nanghihinayang but at the same time I'm also relieved dahil nga nung time na yun talagang masama talaga ang pakiramdam ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

With Chuckie now out of the race, he becomes the first member of the jury.

Paano naman niya isasagawa ang paghatol?

"Sa ngayon mahal na mahal ko ang tribo ko, mahal ko ang Tala, pero hindi ko ibabase sa alyansa ng Tala, pero base dun sa kung sino ba talaga ang deserving maglaro ng Survivor talaga.

"At malalaman ko yun sa darating pang mga araw pag pumasok pa yung ibang jury members."

Looking back, how would Chuckie assess his strategy?

"I'd like to think na I played fair but at the same time marami din kasi akong mga nakahalubilo na hindi rin naglaro nang patas.

"Basta ang akin, hindi ako nanagasa."

HURT FEELINGS. Hindi rin napigilan ni Chuckie na ilabas ang kanyang sama ng loob kay Maria Isabel Lopez.

"Sinabi ni Tita Maribel...yung time na bago siya na-vote off, sinabi niya na...nilapitan siya si Isabel [Granada], tapos sinabi niya na 'Please don't vote off Chuckie dahil nandito siya para sa mother niya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In my defense na lang po, kasi marami rin ang tumira sa akin sa Twitter, na sinasabi na ginagamit ko daw ang nanay ko dahil sa pagsali ko sa Survivor, para hindi ako ma-vote off.

"I never used my mother para makaabante sa game na ito.

"I never mentioned it, actually si Isabel ang nagbanggit niyan kay Tita Maribel.

"Napanood ko siya sa blow-by-blow mismo ng Survivor mismo.

"Nung napanood ko na mismo sa TV ang sabi niya, 'Ano ang pakialam ko kung may sakit ang nanay niya? Kung may kanser ang nanay niya?'

"Hindi ako ipokrito, tao lang ako, nasaktan ako. Siguro she could have said it in a better way.

"Pinatawad ko na rin siya, nung pinanood ko I felt bad, pero pinapatawad ko na rin siya.

"Pero siyempre kahit na patawarin mo ang isang tao, masasaktan ka pa rin dahil sa sinabi niya and right now I'm still hurting because that's my mother.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"'Merry Christmas, Tita Maribel!'"

Ano naman ang mensahe ni Chuckie para sa mga natitirang castaways sa isla, lalung-lalo na sa kanyang mga katribo?

"Magpakatatag kayo, galingan na lang ninyo. As long as you stay together, isa sa atin siguradong makakaabante at makakapunta sa finals!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chuckie Dreyfus says he was hurt by what Maria Isabel Lopez said about his mother: "Nung napanood ko na mismo sa TV ang sabi niya [Maribel Lopez], 'Ano ang pakialam ko kung may sakit ang nanay niya? Kung may kanser ang nanay niya?' Hindi ako ipokrito, tao lang ako, nasaktan ako. Siguro she could have said it in a better way."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results