Kamakailan bago mag-Pasko ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin Padilla sa event na naglunsad sa kaniya bilang endorser ng isang linya ng mobile phone.
Unang kinumusta kay Binoe, palayaw ni Robin, ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez.
Kuwento ni Binoe, "Kami ay nananatiling lumalangoy sa karagatan ng kaligayahan."
Kailan ba nila balak na magkaanak?
"Ano ho, e, lima na ho ang bonus na anak ni Mariel," pagtukoy ni Binoe sa bilang ng kanyang mga anak sa naunang asawa at mga nakarelasyon.
"Siguro, hindi pa niya naisip na mag-anak," nakangiti nitong pag-esplika.
MOVIE WITH WILLIE. May bagong pagkakaabalahan si Binoe pagsapit ng Enero 2012.
Ito ay ang pelikulang gagawin niya with Willie Revillame under Viva Films.
"A, ang gusto ni Boss Vic [del Rosario], mag umpisa na kaagad kami ni Ka Willie.
"Tingnan natin, siguro pag-alis ng mga anak ko [magsisimula]," sabi nito, na ang tinutukoy ay ang napipintong pagpunta sa Australia ng mga anak upang bisitahin ang ina nilang si Liezl Sicangco.
"Kasi hindi ko maisasabay ngayon yun, e. Siguro pag-alis ng mga anak ko."
Anong tipo ng pelikula ang nakatakda nilang gawin ni Willie?
"Ang gusto ni Ka Willie, action, e. Ang gusto naman ni Boss Vic, playboy type. Parehong hindi ako yun," sagot niyang pabiro.
Kaya naman tinanong ng PEP si Binoe nang pabiro kung sino ba yung tinutukoy niyang playboy?
Sagot niya, sabay tawa, "Si Willie yun."




0

