"Sinabi namin na, 'You know, after all the rebuilding and after the cleaning up dapat siguro ang gagawin natin is to bring joy to the children.' Kasi 'di nila na-experience ang Pasko,"says Kris Aquino on her plan to return to Cagayan de Oro with Angel Locsin and Anne Curtis after spearheading a flood relief operation.

Photo: Noel Orsal

Puring-puri  ni Kris Aquino si Dingdong Dantes dahil naisipan daw ng aktor na ibahagi sa mga nabiktima ng bagyong Sendong ang ilang porsyento ng first-day earnings ng pelikula nilang Segunda Mano.

"Kasi first time niyang [Dingdong] mag-produce na pang-festival.

"Sabi niya, 'How soon we find out how much we earned?'

"Sabi ko, 'Sa Star Cinema kasi, may booking report kaming natatanggap every night.'

"Hinihintay ko yun mga 1:00 a.m. Sabi ko, 'By one a.m. we'll know how much we earned the first day.'

"Sabi niya, 'Can we do tithing?' Sabi ko, 'Of course.'" Ang tithing ay ang pagkuha ng porsiyento sa kinita.

"Siyempre, hindi naman namin sagot ang earnings ng Star Cinema na fifty percent.

"Pero yung 50 percent na kay Dong, sa akin, at kay Edgar Mangahas [ng MMJ Production, Inc.], 10 percent of our 50 percent idu-donate namin," kuwento ni Kris, nang nakausap ito ng PEP sa first screening ng Segunda Mano, sa Cinema 4 ng Glorieta 4, Makati, kahapon ng tanghali.

"I commend Dong for that idea," sabi ni Kris na gamit ang isang palayaw ni Dingdong.

"Because sabi niya, sobrang blessing na, na-Graded A kami, which means na lahat ng amusement tax binalik sa amin.

"So, kung ano yung dapat na mapunta sa gobyerno, ibibigay na namin nang deretso talaga sa mga tao."

Pahayag naman ni Dingdong, "Kasi, gusto ko sana, na mas magkaroon ng dahilan na yung pagsasaya natin sa Pasko, na alam naman natin na devastated ang karamihan ng mga kababayan natin sa Mindanao.

"Maganda rin, na we'll all put our efforts together na mas magkakaroon ng magandang silbi at kahulugan yung mapupunta ng box-office," ayon pa rin sa aktor.

KRIS CLARIFIES RUMOR. Kaugnay pa rin sa trahedyang dulot ng bagyong Sendong, nakarating na rin kay Kris na nagkaroon ng isyu ang unang pagpunta niya sa Cagayan De Oro.