Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Baron Geilser, nananatiling matatag pa rin ang aktor sa pagharap sa mga ito at patuloy na nagpapamalas ng kanyang husay sa pag-arte.
Kasama si Baron sa pelikulang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga, na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.
Kontrabida ang ginampanang papel ng aktor at napakaimportante ng kanyang karakter sa nabanggit na pelikula.
Nananatiling positibo naman ang aktor sa kanyang pananaw sa buhay sa gitna ng mga kontrobersiya ng 2011.
"Crazy, pero it's a blessed year for me. And I'm very thankful and I'm still in gratitude.
"I learned in rehab how to be patient and humble, and my 2011 taught me a lot of lessons," pagbanggit niya sa mga natutunan nang pumasok siya sa rehabilitation center upang labanan ang labis na pag-inom ng alak.
Ano ang mga balak ni Baron sa paparating na Bagong Taon?
"I want now to be successful in my career, and sana tuluy-tuloy na talaga.
"And ako naman, talagang magko-concentrate na ako sa trabaho ko. I want to work with all the actors here in the industry."
STILL DRINKING? Kamakailan ay nasangkot sa intriga ang kanyang pangalan na may kinalaman pa rin sa pag-inom.
Diumano ay hindi siya pinaalis ng bansa ng immigration authorities para sa isang out-of-the-country taping ng Maalaala Mo Kaya [MMK] dahil sa pag-inom sa set ng nasabing palabas.
"Okay naman ako, tuloy-tuloy pa rin sa recovery, concentrate na lang sa career.
"'Di na ako tumitikim ng alak. The last time was sobrang tagal na.
"Yung regrading sa issue sa MMK, that's not true. Ang naging problema ay sa immigration.
"Siyempre, may past na ako sa ganyan. So, pagka may aberyang kunwari na nangyari, yun na kaagad ang issue.




0

