Singer and Cagayan de Oro-born Mark Bautista was able to gather P200,000 in donations through his Twitter account.

Masaya sanang uuwi si Krizza Neri sa kanyang hometown sa Cagayan de Oro matapos niyang makuha ang titulong first-ever Protégé Grand Winner.

Pero, ayon sa report ng Startalk TX noong Huwebes, iba na ang dinatnan ni Krizza matapos hagupitin ng bagyong Sendong ang bayang kanyang kinalakihan.

"Nakamit ko yung victory ko, pero yung mga kababayan ko naglukuksa, malungkot, sobrang devastated sila.

"Nakita ko nga yung mga bahay na nasira. Sobrang tragic talaga yung nangyari dito," patungkol niya sa kanilang bayan.

Pahayag pa niya, "Sobrang na-shock ako dahil nga sa nangyari dito."

Sa pag-uwi ni Krizza, kasama niya ang kanyang mentor na si Aiza Seguerra, na nakipag-coordinate sa Philippine National Red Cross upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Matapos tumulong sa Operation Bayanihan ng Kapuso Foundation, ang ilang kaanak naman ni Krizza  ang kanyang tutulungan.

"Yung lolo ko po kasi, yung bahay nung uncle ng mama ko, yung bahay nila, by the river.

"'Tapos yung place na yun, sobrang binaha talaga, so nawala... washed-out talaga yung mga bahay.

"Hindi ko na po mahagilap yung bahay nila kasi nga po sirang-sira lahat.

"'Tapos yun nga po, hindi ko pa po alam kung paano sila makakapag-start over.

"Makapag-start ng bagong buhay, pero for sure po, tutulungan ko sila."

MARIA ISABEL LOPEZ. Bukod kay Krizza, ilang Kapuso celebrities din ang pumunta ng Cagayan de Oro para maghatid ng tulong, tulad ng Survivor Celebrity Doubles Showdown castaway na si Maria Isabel Lopez.

At ayon kay Maribel, na tawag din kay Maria Isabel: "I was born here in Cagayan de Oro.