PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino, Josh and Bimby take time this Christmas to party with street kids

About her son Bimby, Kris chirps: "Feeling ko, ito aalagaan ako."
by Rommel R. Llanes
Published Dec 27, 2011
Kris on her, Bimby, and Josh spending time this Christmas with street kids: "Alam mo, blessed kami, so bakit hindi ko ibalik sa mga bata na walang nanay, walang tatay? So, iyon ang Christmas gift namin na ibibigay namin." --------

Noong Huwebes, isinapuso ni Kris Aquino at ng mga anak nitong sina Josh at Bimby ang tunay na diwa ng Pasko.

Naglaan sila ng oras para makasama sa "Pasko ng Batang Pinoy 2011."

Ito ay isang espesyal na Christmas celebration para sa mga street children na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Kris, sa interview sa kanya ni John "Sweet" Lapus ng Showbiz Central, doon na rin sa Christmas celebration para sa mga street children:

"Ang ginusto kasi ni Secretary Dinkee [Soliman ng DSWD], na yung pangangaroling sa labas ay puwedeng malagay sa panganib ang mga bata, [so] huwag na.

"Dito na lang sila, na mag-sign-up sila sa mga barangay centers, 'tapos dadalhin sila dito for an all-day activity.

"Plus, yung kakainin for noche buena and Christmas day at yung mga nanay nila na nag-obey, may regalo.

"Mero'n akong mayaman na mabait na kaibigan na galing Tarlac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya, ano pa ba ang ibibigay daw sa akin kundi yun na lang makapagbigay siya ng puwede kong i-distribute para makatulong sa iba?

"Alam mo, blessed kami, so bakit hindi ko ibalik sa mga bata na walang nanay, walang tatay?

"So, iyon ang Christmas gift namin na ibibigay namin." Kasama ni Kris sa party ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

At dahil napag-uusapan na rin lang ang Pasko sa interbyu, hindi na pinalampas ni Sweet ang pagkakataong alamin ang Christmas celebration ni Kris.

"Puwede nating ikuwento sa kanila kung bakit nandito ka [Sweet]? Kasi kasama kita.

"Iyon ang regalo namin kay Sweet. Kasama namin siya sa New York. Kasama ka.

"At wala akong choice dahil kasama ka at uutusan kitang mag-camera doon. 'Di pati yung footage [maise-]share na po sa inyo.

"Ano ang gagawin natin sa New York? Alam mo namang OC [obsessive-compulsive] ako, 'di ba?

"Yung kalendaryo namin, naka-set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"December 27, FAO Schwarz, yung toys, at Toys R Us na pinakamalaki, with the kids.

"'Tapos kakain tayo sa pinakalumang pizza place, Lombardi's.

"Ni-research ko yun dahil favorite ng dalawa ang pizza!" sabi ni Kris, na ang tinutukoy ay sina Josh at Bimby.

"December 28, may tickets na tayo for Spider-Man:Turn Off The Dark," pagpapaalala pa niya sa kausap na si Sweet. Ang Spider-Man ay isang musical sa Broadway, sa New York.

"'Tapos, ang mangyayari, yung mga kids patutulugin natin nang maaga, dahil sa gabi naman yung Hugh Jackman Back on Broadway ang papanoorin natin."

FOR HER KIDS. Ito ang gift ni Kris sa mga anak niya, at bukod dito ay meron pa.

"Sa May, pupunta kami...back-to-back na cruise. Yung bagong ship ng Disney—yung Disney Dream at yung Disney Fantasy.

"Iyon ang Christmas gift nung dalawa ko, a gift to say sorry for the three months I was away sa Segunda Mano [shooting].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And Sweet, salamat sa maraming days na sinalo mo sila."

PROUD PRODUCER. Ano ang naramdaman niya na Graded A ang Metro Manila Film Festival entry nila ni Dingdong Dantes na Segunda Mano?

"Alam mo kasi, Sweet, ayaw mo maniwala sa akin, e.

"Kasi nakiki-argue ka pa sa akin, sabi mo, 'Hoy, Ganda, A yung mga Chito Roño [movies] mo."

Si Joyce Bernal ang direktor ng Segunda Mano.

"Alam mo, ang pinakanatuwa ako talaga, kasi pera namin ang in-invest dito. So that means yung in-invest-an namin, may quality."

Sina Kris at Dingdong, kasama ang Star Cinema at isa pa, ang mga producers ng naturang horror film.

"Si Dong 'pag nagkaanak na sila ni Marian, puwede niyang ipamana ito [pelikula]. At, 'di ba, iba yung may film library ka, e.

"Na mero'n kang filmography. So, parati ko pong sinasabi, para sa mga taga-SC [Showbiz Central], be proud of your Kapuso Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He gave the performance of a lifetime.

"Si Perry Lansigan [Dingdong's manager], sinabi, 'Puwede bang ikaw na ang i-hire kong PR ni Dong? Dahil ikaw na talaga ang nagsusumigaw sa buong mundo na Dingdong is it!'

"Sabi ko, 'Perry, mahal!" (Na ang ibig sabihin ay mahal ang ibabayad ni Perry sa kanya kung mag-PR ito.)

REGALO KINA DONG AT MARIAN. Ano ang regalo ni Kris kina Dingdong at Marian Rivera?

"Yung kay Dong, it's an exercise bag. Yung pang-work-out.

"'Yung kay Marian... kasi Sweet, aminin mo, lahat ng artista naka-heels, 'di ba, pero pagsakay ng sasakyan, nakatsinelas na.

"So ito... alam mo yung Prada ko na ginagamit ko parati na may zipper na may case, binigyan ko siya ng ganun."

Loveless si Kris, kailan siya iibig muli?

"'Bimby, when can I have a boyfriend?'" tanong ni Kris sa anak na kasama niya during the interview.

At sa tanong ni Kris, mabilis na sumagot ang kanyang bunsong anak ng, "No!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Never na? Why, why can't I have a boyfriend?" muling tanong ni Kris na sinagot ni Bimby ng...

"Because I love my mama!"

So hindi na siya puwedeng mag-boyfriend?

"Iyon ang deal namin, hindi ako magbo-boyfriend. Hindi na ako ikakasal, basta si Bimby hihintayin na mategi [mamatay] ako bago siya ikasal.

"Feeling ko, ito [Bimby] aalagaan ako.

"So kung hindi man dumating yung boyfriend sa buhay ko...

"Pero, kung 2013 dumating siya, ang requirement ko po, gusto ko talaga ng bilyonaryo na puwede akong i-support sa aking philanthropic activities.

"So iyan i-pray ninyo na makahanap ako ng billionaire na yun, ha?

"At gusto ko magkaroon ng sarili kong network!"

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris on her, Bimby, and Josh spending time this Christmas with street kids: "Alam mo, blessed kami, so bakit hindi ko ibalik sa mga bata na walang nanay, walang tatay? So, iyon ang Christmas gift namin na ibibigay namin." --------
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results