Kris on her, Bimby, and Josh spending time this Christmas with street kids: "Alam mo, blessed kami, so bakit hindi ko ibalik sa mga bata na walang nanay, walang tatay? So, iyon ang Christmas gift namin na ibibigay namin."

 

--------

Photo: courtesy of Kris Aquino

Noong Huwebes, isinapuso ni Kris Aquino at ng mga anak nitong sina Josh at Bimby ang tunay na diwa ng Pasko.

Naglaan sila ng oras para makasama sa "Pasko ng Batang Pinoy 2011."

Ito ay isang espesyal na Christmas celebration para sa mga street children na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Kris, sa interview sa kanya ni John "Sweet" Lapus ng Showbiz Central, doon na rin sa Christmas celebration para sa mga street children:

"Ang ginusto kasi ni Secretary Dinkee [Soliman ng DSWD], na yung pangangaroling sa labas ay puwedeng malagay sa panganib ang mga bata, [so] huwag na.

"Dito na lang sila, na mag-sign-up sila sa mga barangay centers, 'tapos dadalhin sila dito for an all-day activity.

"Plus, yung kakainin for noche buena and Christmas day at yung mga nanay nila na nag-obey, may regalo.

"Mero'n akong mayaman na mabait na kaibigan na galing Tarlac.

"Sabi niya, ano pa ba ang ibibigay daw sa akin kundi yun na lang makapagbigay siya ng puwede kong i-distribute para makatulong sa iba?

"Alam mo, blessed kami, so bakit hindi ko ibalik sa mga bata na walang nanay, walang tatay?

"So, iyon ang Christmas gift namin na ibibigay namin." Kasama ni Kris sa party ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

At dahil napag-uusapan na rin lang ang Pasko sa interbyu, hindi na pinalampas ni Sweet ang pagkakataong alamin ang Christmas celebration ni Kris.

"Puwede nating ikuwento sa kanila kung bakit nandito ka [Sweet]? Kasi kasama kita.

"Iyon ang regalo namin kay Sweet. Kasama namin siya sa New York. Kasama ka.