news

GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

by Joyce Jimenez posted on December 27, 2011  STATS: 66017 Views | 654 Comments

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.

Photo By: Noel Orsal

Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

654 Comments

  • 414  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:00 PM
    correction, ipagpapatuloy lang ng gma ang pagiging no. 1 pag minanage na ni MVP!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 413  kapusodbest

    12/28/2011 | 03:59 PM
    batasau, hindi na kailangan ng GMA bumawi kasi mas maraming advertisements na pumapasok sa kanila compared diyan sa naghihingalo mong station abs lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 412  batasau

    12/28/2011 | 03:57 PM
    Babawi mga kapuso kapag si MVP na ang magma manage sa GMA.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 411  kapusodbest

    12/28/2011 | 03:56 PM
    hindi matanggap ng mga kapampam na talagang number 2 na lang sila hehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 410  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 03:53 PM
    pucho pucho ang 500 billion pesos? haller
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 409  saudiarabia11

    12/28/2011 | 03:52 PM
    sinong negosyante ang aako sa BILYON BILYON na UTANG ng ABS... baka buong ABS kulang pa sa BILYON BILYON NILANG UTANG!!!! bwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 408  Paradigm

    12/28/2011 | 03:49 PM
    Mabibili nalang ng pucho-puchong presyo. Bagsak lagapak ang minamahal kung Bano Station. Si MR lang ang sinwerte sa Kamuning. The rest NAMETAG!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 407  saudiarabia11

    12/28/2011 | 03:49 PM
    common sense KAPAMS napaghahalata ang KATANGS ninyo.... bwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 406  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 03:49 PM
    bakit naman kami mapipikon e no. 1 ang estasyon namin. e ang abs bitter herbs nu tuluy-tuloy sa kangkungan nitong 2012 and beyond!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 405  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 03:46 PM
    walang magkakainteres bumili sa abs kc lubog sa utang. wiz nu lang na kau ang pagkakainteresan. stick to the topic and to the facts kc bago magkoment para di halata ang kaengotan mga kapams!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 404  saudiarabia11

    12/28/2011 | 03:46 PM
    kahit sabihing ABS for sale walang magkakainteres dahil SINONG negosyante ang AAKO sa BAON BAON na UTANG ng ABS.. tapos BAD RECORD pa ...ano NABABALIW????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 403  kalahatingtao

    12/28/2011 | 03:44 PM
    La na pikon na cla kasi d matanggap..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 402  Paradigm

    12/28/2011 | 03:44 PM
    332, Very well said. I Thank You!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 401  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 03:43 PM
    392, engot ung intro ng asapsap mo ginaya ung station xmas id ng kapuso, angat ka tlga!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 400  shingaling20

    12/28/2011 | 03:39 PM
    abs cbn for sale...malayo yon.pero GMA for sale..yon ang nalalapit na at finafinalize ang nego..nyahahahhahaha..galit na yan..hahahahahah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 399  kapusodbest

    12/28/2011 | 03:35 PM
    ang GMA gustong bilhin, ang mga abs affiliates at subsidiaries nila mga nabenta na at pinagbibili pa rin para mabawasan ang kalugihan hindi malayo baka ABS-CBN for SALE soon na din haha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 398  kapusodbest

    12/28/2011 | 03:31 PM
    nagtanong ka pa kalahating halimaw ikaw din sumagot haha boplaks eh familiar ka din pala hehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 397  shingaling20

    12/28/2011 | 03:31 PM
    MVP keeps mum...hmmm...bakit silent? kasi ayaw magcomment dahil on-going ang negotiation.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 396  batasau

    12/28/2011 | 03:30 PM
    GMA FOR SALE?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 395  Geresh7

    12/28/2011 | 03:28 PM
    Okay got to go get some real fun muna... byers!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About