news

GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

by Joyce Jimenez posted on December 27, 2011  STATS: 65754 Views | 654 Comments

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.

Photo By: Noel Orsal

Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

654 Comments

  • 34  Jeenyooz

    12/28/2011 | 01:05 AM
    No.1 kasi ang GMA, kayang kayang iwanan na lang basta ni MVP ang TV5 mapunta lang sa kanya ang Most Profitable TV station.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  Ornusa

    12/28/2011 | 01:04 AM
    Nakakalungkot talaga na kailangan ng ipagbili nila gozon ang gma. Kaya lang may choice ba sila if mvp's offer is too hard to resist? Lalo ngayong nasa trying times ang gma. Dapat talagang ipagbili na. Look what he offered to sharon cuneta. Di naman na big star si sharon ngayon but still he offered her 1 billion. So ano ba naman ang 500 billion sa isang mvp para maisalba ang gma. Kaya hindi ako magtataka kung ipagbili na yan nila gozon and duavit. Goodluck gma! Mga kapuso tanggapin ang masaklap na katotohanan. Ganyan talaga buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  rmel_peptalk

    12/28/2011 | 01:03 AM
    i would go for MVP to buy GMA7 .. para maturuan ang ABS-CBN sa ka-swapangan nila....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  touch_of_class

    12/28/2011 | 01:01 AM
    mas naniniwala pa ako na ang ABSCBN na ang binili ni MVP dahil ang Meralco at NLEX na mga Lopez ang may-ari e nabili na rin ni MVP! Kwidaw mga baklesh baka ang ABS na yan!KALURKS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  iamkasheb

    12/28/2011 | 12:59 AM
    Kung totoo man yang balita na ipagbibili ang GMA Network kahit confirmed na hindi naman, isa ako sa televiewer na malulungkot. Hindi biro ang 61 years na from scratches lang sila noon pero tignan nyo nman kung ano na ang na.abot nila. dba? Wag naman sanang masilaw sa presyo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  pearl102

    12/28/2011 | 12:54 AM
    Nakuh, sino pa ba ang magkakalat ng mga malisyoso at maling balita kung hindi ang DOS, lalo na yung mga pantards ng DOS...diyan sila super galing..ang mag imbento ng kung anu ano. Ibahin talaga ang mga class A DAW!!! Mas maganda siguro kung ang bilhin na lang ni Pangilinan ay ang DOS. Hindi ba mataas ang mga ratings daw nila kuno at puro blockbuster ang mga movies? Eh bakit chipangga ang Christmas party nila. Ay sus ganyan ba ka chipangga ang mga CLASS A?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  whereubelong

    12/28/2011 | 12:53 AM
    pag bibilhin ba ang isang kumpanya ibig sabihin nalulugi na agad? hindi ba pwedeng gusto lang mapasakamay ni MVP ang no 1 tv station dito sa pinas? kaya nakahanda syang magbayad kahit ganun kalaking halaga? kung totoo man yan, go ABS maglaway na lang kayo sa 500B na yan kasi ang istasyon nyo hindi magkakahalaga ng ganyan nyahahahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  Geresh7

    12/28/2011 | 12:51 AM
    Mga kafangs walang nagbebenta. Merong naglalaway bumili sa Number 1 channel hahaha. Wish nyu rin sana may magka interes pa sa ABSCBN hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  Geresh7

    12/28/2011 | 12:50 AM
    Oops false alarm! Back to work heheh at sa mga kapamilyang fantard bitterness goes on and on
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  rmel_peptalk

    12/28/2011 | 12:49 AM
    geresh... bahala na ang mga kapalmilya ang mag interpret ng sinasabi ko....if they have brains and if they know to use logical thinking and they know how to read between the lines....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  Geresh7

    12/28/2011 | 12:45 AM
    Mga kapamilya talaga walang mga utak. Puro mga FANTARD
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  Lokotoy

    12/28/2011 | 12:44 AM
    Super yaman mo nman mvp.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  superbeki

    12/28/2011 | 12:42 AM
    ewan ko rin sayo ornusa. ur just bashing gma7, very clear na kapamilya ka. hahaha. u dont know how to read eh. anyways, hindi naman ito totoo. so sorry sa inyo kapamilya. pero kung tutuusin, ayos ito sa mga kapuso at kapatid. baket? kasi pwede ng maghiraman ng artista ang dalawang networks, isipin nyo, si dennis trillo at dingdong at aljur pwede tumalon sa tv5 para maging leading men, lalo na kung next next year eh makuha na ng tv5 sila sarah anne at cristine... diba exciting. tapos sila sharon naman gagawa ng musical sa gma7. hahaha. soon to be 3rd na abs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  Geresh7

    12/28/2011 | 12:41 AM
    12 rmel_peptalk December 28, 2011 00:33 AM kapag ba binebenta is nalulugi na.... ang mang inasal ba is palugi ng binili ito ng JFC.... ang nalulugi is yung nangungutang kasi hindi na kayang i-sustain ung expansion and operation...the worst is umuutang ka para i-finance ung mga existing loans mo.... ------------------------------------------------------ ABSCBN ba yang nangungutang pambayad utang hahahha. At sa mga kapams hindi nalulugi ang GMA. May naglalaway na mapa sa kanya ang No.1 channel. Eh sa ABSCBN kaya may interesado pang sumalo sa pagkalubog nito? heheh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  rmel_peptalk

    12/28/2011 | 12:41 AM
    if i were the triumvirate of GMA...500B...hindi na ako mag-iisip pa...sabihin na natin na 20B ang value ng GMA tpos i assume natin nag 2B ang kita ng GMA a year.... meaning di na kailangan pang magtrabaho nina gozon, duavit at jimenez ..... kasi di na nila kikitain ung 400B khit mamatay na sila....logic lng un at wala ang mga kapamilya nun...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  tanya24

    12/28/2011 | 12:39 AM
    it's impossible, but if it's true bakit kailangan nya bilhin ang GMA considering na nasa TV5 na ang mga pinakasikat at haligi ng philippine showbiz? it means iba ang hatak ng GMA sa masang pilipino hindi nakasalalay kung gaano kasikat ang mga artista kundi sa quality shows na handog ng kapuso network.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Ornusa

    12/28/2011 | 12:37 AM
    Ewan ko sayo superbeki mag ilusyon kang number 1 yang gma kamuning na yan. Dapat lang ipagbili na yan para naman mabuhay ang mga shows. Baka si mvp ang pag asa nila. I'm sure gugulatin na lang tayo ni mvp na nabili na nya ang gma. Si mvp ang sagot sa mga kumpanyang lumulubog lolz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  tanya24

    12/28/2011 | 12:37 AM
    it's impossible, but if it's true bakit kailangan nya bilhin ang GMA considering na nasa TV na ang mga pinakasikat at haligi ng philippine showbiz? it means iba ang hatak ng GMA sa masang pilipino hindi nakasalalay kung gaano kasikat ang mga artista kundi sa quality shows na handog ng kapuso network.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  rom_05

    12/28/2011 | 12:35 AM
    ilang porsiyento b ng GMA ang for Sale? Is he planning to run for President or is he planning to support someone for president? Naisip ko lang may kinalamn kasi sa media ang mga investment niya lately.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  rmel_peptalk

    12/28/2011 | 12:33 AM
    kapag ba binebenta is nalulugi na.... ang mang inasal ba is palugi ng binili ito ng JFC.... ang nalulugi is yung nangungutang kasi hindi na kayang i-sustain ung expansion and operation...the worst is umuutang ka para i-finance ung mga existing loans mo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About