news

GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

by Joyce Jimenez posted on December 27, 2011  STATS: 65768 Views | 654 Comments

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.

Photo By: Noel Orsal

Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

654 Comments

  • 434  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:30 PM
    hit sorry complimenting, ok na ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 433  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:29 PM
    o well, it was never been for sale, there was an intention to purchase, but it was never been for sale! will you comprehend the article first before you whine?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 432  dmdaisy

    12/28/2011 | 04:26 PM
    SA LATEST 3DAY GROSS FROM MMDA CHAIRMAN TOLENTINO,,,40 MILLION ANG AGWAT NG ENTENG SA PANDAY.....SANA MABAWI MAN LANG NG GMA AT BONG ANG DAAN DAAN MILYONG PUHUNAN....NGAYON ALAM NA NI BONG KUNG SINO ANG LEADING LADY NA DAPAT IWASAN,,AT KUNG KANINO MAKIKIPAG TIEUP,KASI NEXT YEAR SA STAR CINEMA NA SIYA,WITH AI-AI...THANK GOD...MAKAKABAWI SA LUGI
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 431  hit_d_way_u_lye

    12/28/2011 | 04:26 PM
    426, as in complementing talaga teh?.. baka complimenteng este complimenting.. Alin ba ang tama.. hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 430  batasau

    12/28/2011 | 04:25 PM
    Number one station for sale? hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 429  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:24 PM
    binabangungot naman ang isang to, manuod ka na nga lang estasyon mo baka makatulong ka pa sa napipintong pagkalubog nito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 428  batasau

    12/28/2011 | 04:20 PM
    Tama pwede ng makipagsabayan ang GMA under MVP's direction.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 427  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:16 PM
    kau lang naman ang nagbibigay ng magugulo at malisyosong komento sa article na ito e mga kapam. basta kaming kapuso, bilhin o hindi masaya kami. very complementing panga sa aming kapuso na may magkakainteres sa hinahangaan naming estasyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 426  hit_d_way_u_lye

    12/28/2011 | 04:13 PM
    Tingnan nyo ang nasa picture.. di ba namumutla na. Tulong TBpayb!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 425  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:11 PM
    di kaya cna carmina at iza ang may tempting offer? nasisilaw ba cla?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 424  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:09 PM
    cnong mga artista ba ang wlang work di ba nakafreezer panga cla sa bitter station!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 423  kapusodbest

    12/28/2011 | 04:09 PM
    dmdaisy dilema ka diyan hehe ayos ka te baka ikaw nagdidilema lol, oa magcomment pati souls daw echosera haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 422  batasau

    12/28/2011 | 04:09 PM
    Tama anong masama kung bilhin ang GMA?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 421  hit_d_way_u_lye

    12/28/2011 | 04:09 PM
    Kaya pala natakot si Iza at Carmina... Gawin ba namang bano starlet forever sa GME. Pero goodluck nalang para sa KAPUTID!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 420  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:08 PM
    pinakamahigpit hindi tinatalo. hindi kelangan bilhin ang gma para maging no. 1 kc no. 1 na cla mula 2004 pa. mag-analize nga ng mabuti bago mag-hit ng mag-hit at bokelya lang ang kahantungan ng nginawa, nganga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 419  lovetrip

    12/28/2011 | 04:07 PM
    Galit n galit n mga kapuso. Napapa mura n sa sobra worried. Oi kumuha nmn kau ng info sa ibang news at mags, wag puro sa kanto lng. Mg basa nmn kau ng forbes o kaya business sites pra mlaman ninyo 370 million dollars nett ng lopez compare ke gozon 163m. Puro kau usapang kanto. Ano b masama if true n bibilhin ang gma. Ok nga un pra un mga artista ninyo me work pa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 418  dmdaisy

    12/28/2011 | 04:03 PM
    MATULOY MAN O HINDI, ISANG NAPAKALAKING SAMPAL SA PAGMUMUKHA NG MGA GMA SUPPORTERS ANG NEGOSASYONG ITO,i cant imagine what you people are going through,after investing time,effort,money,sweat and tears,and even ur soul, to defend ur beloved station,and here u are,, facing a great dilema, praying to all the GODS in the highest heavens,that GOZON,WONT ACCEPT THE TEMPTING OFFER....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 417  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:03 PM
    magbabagong taon na kc, kaya bagong username para di na sana halata ang kaengotan pero umaalingasaw padin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 416  hit_d_way_u_lye

    12/28/2011 | 04:02 PM
    Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network GMA-7 sa ratings at income ay ang Kapamilya network ABS-CBN ng mga Lopez. Ang Kapatid network TV5 ay sinasabing third major player naman.... ------------- IMAGINE MGA PEPS, PINAKAHIGPIT DAW NA KALABAN, TAPOS NAKIPAGMERGED PARA KALABANIN ANG ABS-CBN VS. GMA-TV5. MALAMANG NAHIHIRAPAN NA SI GOZON. HINDI KINAYA NG POWERS KAILANGAN NG SOS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 415  kangkungan_ever

    12/28/2011 | 04:01 PM
    at lalala ang pagkakalugi ng mahal mong bitter station!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About