news

GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

by Joyce Jimenez posted on December 27, 2011  STATS: 65745 Views | 654 Comments

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.

Photo By: Noel Orsal

Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

654 Comments

  • 74  superbeki

    12/28/2011 | 01:49 AM
    ang siste ornusa hindi nga ito totoo. magbasa ka. kung nag inititate ka si mvp , ibig sabihin nagparamdam, pero hindi naman pinansin ng gma7. uulitin ko hindi ito totoo ornusa. at kung totoo ito, may kapuso pa ren ornusa. kc magiiba lang naman ng owner, pero gma7 pa ren yan. hahaha , wala naman talo d2. mas lalakas gma7 pag nag merge tv5 at gma7. baket kaya masaya si ornusa. mag isip isip iha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  steelwings

    12/28/2011 | 01:48 AM
    ornusa, youre re tard! pakicheck nga financial status ng ABSCBN??? MVP WOULDNT DARE TO ACQUIRE YOUR NETWORK! Hindi nga profitable ang ABSCBN, bakit nya bibigyan ng atensyon yan?? Porke bibilhin ni MVP, sasabihin mong bagsak ang GMA7?? Kawawa naman mga ABSCBN fans, MABABAW angh understanding nila sa finance! TOINKS!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  allenick

    12/28/2011 | 01:48 AM
    kapag binili ibig sabihin lugi na agad? di ba pwedeng number 1 station muna kaya binili? hehehe gusto kasi nyang masabi na kapuso sya... MVP proud to be kapuso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  lema

    12/28/2011 | 01:46 AM
    sorry, HINDI ko pala dapat pinatulan ang taong nagha-hallucinate...tulad ni Ornusa. sori Ornusa, sige, MAGKALAT KA LANG DYAN. happy new year, sana HINDI ka na magbago! hahahahaha! makalayas na nga dito at makapanood na ng AMAYA para lalong gumanda ang araw ko! enjoy mga KAPUSO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  steelwings

    12/28/2011 | 01:45 AM
    walang magiinteres na bilhin ang ABSCBN! hahahah! sinong maglalakas loob na bibili ng kumpanya na sadlak sa utang??? MVP has the power to buy everything, meaning kahit na ano pang kumpanya yan, BASTA MAY GOOD PROFIT RECORD!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  Ornusa

    12/28/2011 | 01:45 AM
    Whereubleong malabong mangyari yun gma nga gusto nyang isalba eh kayo talaga hahaha! Mahirap kase syempre kada artista ng dos 1 billion offer nya hindi naman wise move yun sa kanya kaya gma na lang bibilhin nya mas makakatipid pa nga naman sya. Kase ppresyuhan nya mga artista ng gma lahat2x na kasama reyna nyo nasa 1 billion na siguro yun lolz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  orangecountykid

    12/28/2011 | 01:44 AM
    500 BILLION PESOS IS ABOUT 13 BILLION US DOLLARS. ACCORDING TO FORBES MAGAZINE, THE FOUR RICHEST PINOYS IN 2011 ARE HENRY SY IS WORTH 5.8 BILLION DOLLARS, LUCIO TAN IS WORTH 2.3 BILLION DOLLARS, ANDREW TAN IS WORTH 2.2 BILLION DOLLARS AND ENRIQUE RAZON IS WORTH 1.1 BILLION DOLLARS. IF YOU ADD THEIR MONEY UP, IT IS NOT ENOUGH TO BUY GMA-7 WHICH LED ME TO BELIEVE THAT GMA-7 IS NOT WORTH THAT MUCH. I AM SURE MR PANGILINAN IS RICH BUT HIS NAME WAS NOT EVEN MENTIONED ON FORBES MAGAZINE'S TOP RICHEST PINOYS WHICH MEANS HE HAS TO GET A LOT OF RICH PEOPLE TO INVEST ON THIS. I SHOULD SAY "RICH AND MORONIC " INVESTORS TO BUY GMA-7 FOR 500 BILLION PESOS. ABC NETWORK IN THE US WHICH IS BELIEVED TO BE THE NO 2 NETWORK, WITH A GLOBAL MARKET, WAS BOUGHT MORE THAN 10 YEARS AGO FOR LESS THAN 20 BILLION DOLLARS. WHO IN THEIR RIGHT MIND WOULD BUY A FILIPINO TV NETWORK FOR 13 BILLION DOLLARS? NOT EVEN ABS CBN IS WORTH THAT MUCH,. NOT EVEN IF YOU COMBINE CHANELS 2, 5 AND 7. DO NOT GET ME WRONG. I AM NOT INSULTING PINOY TV NETW
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  chikabayan

    12/28/2011 | 01:44 AM
    of course may partners si MVP na bibili sa GMA... like WILING-WILI! ayooos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  whereubelong

    12/28/2011 | 01:41 AM
    go urnosa umpisahan mo nang kwentahin ang mga utang ng dos at nang mapresyuhan na, malay mo maawa si MVP at maisipan nyang isalba ang naghihingalo mong paboritong istasyon hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  chikabayan

    12/28/2011 | 01:40 AM
    nakuuu po! mukhang may niluluto nga na bentahan! ka abang-abang ito! deny to the max... baka kasi maudlot!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  Ornusa

    12/28/2011 | 01:39 AM
    Anong feeling ng ibebenta na ang no 1 network sa puso nyo? Hahaha! Iyak tawa siguro kayo lolz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  rmel_peptalk

    12/28/2011 | 01:38 AM
    ayon din sa disclosure...abs-cbn decline by 21 percent in consolidated revenue while gma decline by 7 percent both were due to absence of political ads and decrease in ad spending by the corporation.... download kayo ng income statement sa investor relation ng gma at abs-cbn....hehehee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  whereubelong

    12/28/2011 | 01:37 AM
    may tama ka lema! kaya interesado si MVP na bilhin ang GMA kasi kahit ganun kalaki ang halaga ng investment nya, alam nyang doble o triple ang babalik na income sa kanya samantalang kung dos ang kukunin nya puro utang lang ang mapapala nya nyahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  lema

    12/28/2011 | 01:37 AM
    si Orsuna, nagha-HALLUCINATE! kaya pagbigyan na natin...KAWAWA naman....hahahhah! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . sa PANAGINIP lang naman kasi HINDI LUBOG sa utang ang abscbn nya. hahahahha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  Ornusa

    12/28/2011 | 01:35 AM
    Whereubelong 500 billion na offer? Weh d nga? Hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  whereubelong

    12/28/2011 | 01:32 AM
    Urnosa ang negosyante ay negosyante, hindi magbabalak bumili yan ng isang kumpanya kung alam nyang malulugi lang sya. 1 billion na offer kay sharon? confirmed na ba yan? weh di nga?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  Ornusa

    12/28/2011 | 01:31 AM
    Superbeki oo nga eh. Mahilig kase si mvp sa mga palubog na kumpanya tapos isasalba nya hahaha! Uy mag thank you kayo kay mvp! Dahil sa kanya masasalba gma lolz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  lema

    12/28/2011 | 01:30 AM
    a SMART BUSINESSMAN like manny pangilinan will NOT INVEST into something that he knows not worthy of his money. that makes me think, WHY is he NOT INTERESTED in buying ABS-CBN lalo na't alam ng lahat na naghihingalo na talaga ito??? syempre, MASASAYANG LANG PERA nya kung hindi niya ito pagkakakitaan ano??? SAMANTALANG nakita niya ang GMA-7 na namamayagpag sa success, kaya INTERESADO siyang bilhin ito KAHIT PA MAGKAANO!!!! kaya sa abscbn, maglaway na lang kayo sa inggit kasi HINDI INTERESADO sa inyo si manny pangilinan. IPAGDASAL nyo nalang na sana balang araw, AT LEAST, he will consider thinking about it. hahahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  superbeki

    12/28/2011 | 01:29 AM
    hahahaha dont worry ornusa, hndi bibili si mvp ng network na puro utang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  superbeki

    12/28/2011 | 01:27 AM
    whats wrong pep. tumawa lang ako ng hahaha na tanggal post ko.ndi na nga ako tatawa. kalurkey
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About