Ai-Ai de las Alas reveals New Year's resolution: "Hindi na kami maghihiwalay ni Enteng. Enteng 2012, watch for it!"

Elli Alipio
Wednesday, December 28, 2011 @ 03:32PM  |  26927 views

"Masaya yung feeling na part ka ng history ng Philippine cinema," enthuses Ai-Ai de las Alas about their MMFF top-grosser movie, Enteng ng Ina Mo.

Photo By: Allan Sancon













Nagkaroon ng thanksgiving mass para sa success ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Enteng ng Ina Mo—na pinagbibidahan nila Ai-Ai de las Alas at Vic Sotto, at directed by Tony Y. Reyes.

Ang thanksgiving mass ay ginanap kahapon, Martes, December 27, sa Recreational Center Clubhouse ng Ayala Hillside, Capitol Hills, Quezon City.

Dito nga'y nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang makapanayam ang box office queen na si Ai-Ai de las Alas. (CLICK HERE to view photo gallery)

Ano 'yong feeling na first day, top grosser na agad ang Enteng ng Ina Mo?

"Happing-happy kasi nga...wala, ahm...nakakatuwa kasi, masaya dahil nag-history kami," masayang saad ng comedy actress.

Aniya nga, "Historical na naman yung opening.

"So masaya yung feeling na part ka ng history ng Philippine cinema."

Sabi nila pang-best actress muli ang ginawa niya sa pelikulang ito, ano ang masasabi niya dito?

Agad namang sumang-ayon si Ai-Ai, "Oo naman. In every film naman na ginagawa ko. yung best ko talaga.

"And siyempre. wala namang taong hindi nag-e-expect at hindi gusto ng award."

Dagdag nga ni Ai-Ai, "I think lahat ng artista gusto ng award.

"So blessing kung mapunta sa 'kin.

"Blessing pa rin, kasi kahit wala akong award, blockbuster naman yung movie."

Para kanino niya inalay ang pelikulang Enteng ng Ina Mo?

"Ahm...inaalay ko sa mga mamamayang Pilipino.

1  2  3  Next »

Related Articles

47 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name