news

Barbie Forteza's New Year's resolution: "I will try my best po to be very good to my sister."

by Rommel Gonzales posted on December 28, 2011  STATS: 11711 Views | 16 Comments

Tween star Barbie Forteza is  thankful for all the blessings that she received this 2011. As she hopes for more blessings this coming 2012, the 14-year-old actress also feels sad because her sister will be leaving for the U.S. "Baka po doon na siya mag-stay for good," says Barbie.

Photo By: Noel B. Orsal

Maituturing na blessed ang Kapuso tween female actress na si Barbie Forteza nitong taong 2011.

Naging very busy kasi siya sa kanyang showbiz career.

Sunud-sunod ang mga naging TV projects ng 14-year-old actress sa GMA-7, with shows like Nita Negrita, Reel Love Presents Tween Hearts, at ang ipinapalabas pa ring Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Kumita rin ang mga pelikula niya under GMA Films na Tween Academy: Class of 2012 at ang horror film na The Road.

"Kaya po sobrang thankful ako sa lahat ng mga blessings na dumating sa akin, lalo na when it comes sa career ko.

"Sobra-sobra po akong nagpapasalamat sa lahat-lahat.

"Siyempre po, kay God, na siyang may dahilan kung bakit may mga blessings sa buhay ko, at sa GMA po, dahil sa tiwala at sa pag-aalaga nila sa akin," pahayag ni Barbie sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Nitong nakaraang Pasko, bilang selebrasyon—at bakasyon na rin—ay umuwi sila  ng pamilya niya sa Carmona, Cavite.

"Taga-doon po kasi ang family ng father ko, kaya doon kami nag-Christmas," ani Barbie.

EXCHANGING GIFTS WITH JOSHUA. Hindi siyempre makukumpleto ang isang interview kay Barbie nang hindi siya natatanong tungkol naman sa ka-love team niyang si Joshua Dionisio.

Ano ang naging Christmas gift ni Joshua sa kanya?

"Binigyan niya po ako ng Hello Kitty na seat cover," nakangiting sagot ni Barbie.

Ano naman ang iniregalo ni Barbie sa 17-year-old na ka-love team?

"Binigyan ko po siya ng gitara as a birthday gift. Birthday po kasi niya last December 14. 

"And ang Christmas gift ko naman po sa kanya ay unan po, iyon po," nakangiting sinabi pa ng dalagitang tubong-Laguna.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  lovelike

    12/29/2011 | 07:46 PM
    this the real next SUPERSTAR, hindi tulad nang GROWING UP- na GROWING DOWN palagi sa rating at saka MUKHANG matatanda at yaya ang mga bidang babae. CHAKA-KAPAMILYA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  alexangel

    12/29/2011 | 04:27 PM
    fyi, yung mga naglaban-laban as best supporting actress sa mmff are all gma talents, carla, lovi and eugene. sinong bano? LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  GmePipAgv_Tandem

    12/29/2011 | 03:27 PM
    Isa rin to na nangangarap maging kapamilya.. at take note si John Lloyd ang idol niya at hindi ang mga bano sa Kamuning.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  alexangel

    12/29/2011 | 03:15 PM
    puro paninira na naman ang mga kapams pero puro 'daw'. ibig sabihin puro hearsay. well, may kasabihan tayo, ang naniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  hellotweety_87

    12/29/2011 | 07:25 AM
    di kagandahan ang ugali? duh! if totoo yan sinasabi nyo bakit sunod sunod projects nya...kung ang artista ay may ganuong ugali bakit mo pa pagaaksayahan ng oras na bigyan ng show eh marami namang ibang artist dyan...talaga nmn pati bata di pinapalampas... poor people.... inggit talaga... kc nga nmn talented talaga c barbie at mabait... may masama bang ugali na lahat kinikita ay deretcho sa magulang at di naghahangad ng mga latest gadgets kahit kaya nmn nya bumili...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Speed_OfLight

    12/29/2011 | 06:55 AM
    2 iam_brainool December 28, 2011 16:46 PM un new years resolution parang pang elementary lng,.. wala na bang ibang maiisip? ---------------------------------------------------------------------------- mas may isip pa nga sa iyo yan eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  yehzzreh

    12/29/2011 | 04:14 AM
    hahaha ang epal kng magsalita si barbie pangmatured sasabihin nmn na ngmamadaling mgdalaga...eh nasa kanya na lahat eh...haha..pathetic!mabait si barbie pati sa fans.sweet nga nya at makulet..daming ngkagusto jan dahil very cool at humble..God bless barbs!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kalahatingtao

    12/28/2011 | 10:37 PM
    Pansin ko rin cokigirl....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • CokiGirl

    12/28/2011 | 10:00 PM
    hndi daw kagandahan ng ugali daw tong batang ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    12/28/2011 | 07:43 PM
    GO BARBIE! ITULOY MO LANG ANG PAGLAMPASO nang GROWING-UP!!! GANDA mo GIRL BAGAY SA IYO ang magpacute
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • horacio

    12/28/2011 | 07:19 PM
    pakalat kalat talaga to c brainless sa mga kapuso articles, ateng bata yan sukat ba namang patulan mo pa...tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hellotweety_87

    12/28/2011 | 07:15 PM
    kaya nmn maraming blessings na dumating kay barbie dahil napakabait nyang bata...humble, down to earth... saka alam nya kung anong nararapat gawin sa kinikita nya at a very young age... very talented talaga... sana this coming 2012 mas marami ka pang maging projects, movies,endorsement...sana stay as what u are ryt now... cgurado magiging continuos pa blessings mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • superbeki

    12/28/2011 | 06:02 PM
    nice resolution. magaya ka nga! i want to be nice to my little sister hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • whitehorse

    12/28/2011 | 05:11 PM
    napakaswerteng bata!!!! maganda, talented at humble pa kaya napakaraming fans at marami din naiinggit.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    12/28/2011 | 04:46 PM
    un new years resolution parang pang elementary lng,.. wala na bang ibang maiisip?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yehzzreh

    12/28/2011 | 04:35 PM
    go barbie we love you!!!much love yieee!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!keep up the good work and stay sweet and jolly!stay humble hmuah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About