Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, starring Governor ER Ejercito (main photo), is the biggest winner at the 37th Metro Manila Film Festival Awards Night, bagging a total of 11 trophies; (insets) Maricel Soriano and Dingdong Dantes win Best Actress and Best Actor for Yesterday Today Tomorrow and Segunda Mano, respectively.

Photo: File photos

Humakot ng awards ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Gabi ng Parangal ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Resorts World Manila Performing Arts Theater sa Pasay City kagabi, December 28.

Labing-isang tropeyo ang napanalunan ng Asiong Salonga.

Kabilang dito ang Best Picture, Best Screenplay para kina Roy Iglesias at Ray Venura, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Supporting Actor para kay John Regala, at Best Director.

BEST DIRECTOR. Naging interesante ang pagwawagi sa Best Director ng Asiong Salonga dahil ipinatanggal ni Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan bilang direktor ng naturang pelikula.

Lumikha ng kontrobersiya ang biopic dahil sa alitan sa pagitan ni Direk Tikoy at ng bida ng pelikulang si Governor Jeorge "ER" Ejercito at ang mga producer nito.

Nag-ugat ang problema sa pagre-reedit at pagre-reshoot ng mga eksena nang walang pahinutulot ni Direk Tikoy. Rason ni Governor ER, mabagal ang pacing ng unang bersiyon ng pelikula at ang prodyuser ang may last say.

Dahil dito ay hiniling ni Direk Tikoy na ipatanggal ang kanyang pangalan sa credits ng pelikula, kasama na sa promotional materials nito.

Ayon kay Direk Tikoy, hindi na masasabing pelikula niya ang Asiong Salonga dahil sa mga pagbabagong ginawa rito nang hindi niya nalalaman at hindi niya pinahintulutan.

Noong una ay hindi pumayag si Governor ER sa hiniling ni Direk Tikoy. Sunod ay humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) si Direk Tikoy mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Pumabor ang nasabing ahensiya sa kahilingan ng direktor kaya tinanggal na rin nina ER ang pangalan nito sa pelikula.

Hindi dumalo sa awards night si Direk Tikoy.

Sa awards night ay "Gary dela Cruz" ang tinawag na pangalan bilang direktor ng Asiong Salonga.

Pero lahat ng mga nagwagi mula sa pelikulang ito ay panay ang pagbanggit at pasasalamat sa entablado kay Direk Tikoy.


ACTING WINNERS. Si Maricel Soriano ang nagwaging Best Actress para sa Yesterday Today Tomorrow.

Hindi dumalo sa awards night ang Diamond Star, pati na ang iba pang cast members ng pelikula.