news

Asiong Salonga sweeps 37th MMFF Awards Night; Maricel Soriano and Dingdong Dantes win top acting honors
by Report by Monching Jaramillo & Demai Sunio-Granali / Text by Erwin Santiago posted on December 29, 2011  STATS: 126960 Views | 289 Comments

 

Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, starring Governor ER Ejercito (main photo), is the biggest winner at the 37th Metro Manila Film Festival Awards Night, bagging a total of 11 trophies; (insets) Maricel Soriano and Dingdong Dantes win Best Actress and Best Actor for Yesterday Today Tomorrow and Segunda Mano, respectively.

Photo By: File photos

Humakot ng awards ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Gabi ng Parangal ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Resorts World Manila Performing Arts Theater sa Pasay City kagabi, December 28.

Labing-isang tropeyo ang napanalunan ng Asiong Salonga.

Kabilang dito ang Best Picture, Best Screenplay para kina Roy Iglesias at Ray Venura, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Supporting Actor para kay John Regala, at Best Director.

BEST DIRECTOR. Naging interesante ang pagwawagi sa Best Director ng Asiong Salonga dahil ipinatanggal ni Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan bilang direktor ng naturang pelikula.

Lumikha ng kontrobersiya ang biopic dahil sa alitan sa pagitan ni Direk Tikoy at ng bida ng pelikulang si Governor Jeorge "ER" Ejercito at ang mga producer nito.

Nag-ugat ang problema sa pagre-reedit at pagre-reshoot ng mga eksena nang walang pahinutulot ni Direk Tikoy. Rason ni Governor ER, mabagal ang pacing ng unang bersiyon ng pelikula at ang prodyuser ang may last say.

Dahil dito ay hiniling ni Direk Tikoy na ipatanggal ang kanyang pangalan sa credits ng pelikula, kasama na sa promotional materials nito.

Ayon kay Direk Tikoy, hindi na masasabing pelikula niya ang Asiong Salonga dahil sa mga pagbabagong ginawa rito nang hindi niya nalalaman at hindi niya pinahintulutan.

Noong una ay hindi pumayag si Governor ER sa hiniling ni Direk Tikoy. Sunod ay humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) si Direk Tikoy mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Pumabor ang nasabing ahensiya sa kahilingan ng direktor kaya tinanggal na rin nina ER ang pangalan nito sa pelikula.

Hindi dumalo sa awards night si Direk Tikoy.

Sa awards night ay "Gary dela Cruz" ang tinawag na pangalan bilang direktor ng Asiong Salonga.

Pero lahat ng mga nagwagi mula sa pelikulang ito ay panay ang pagbanggit at pasasalamat sa entablado kay Direk Tikoy.


ACTING WINNERS. Si Maricel Soriano ang nagwaging Best Actress para sa Yesterday Today Tomorrow.

Hindi dumalo sa awards night ang Diamond Star, pati na ang iba pang cast members ng pelikula.

Ito'y sa pakikisimpatiya nina Maricel sa prodyuser nilang si Lily Monteverde ng Regal Entertainment. Nagdesisyon kasi ang festival committee na i-disqualify ang Yesterday Today Tomorrow sa apat na major categories: Best Picture, Best Director, Best Screenplay, at Gatpuno Villegas Cultural Award.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

289 Comments

  • 189  shingaling20

    12/29/2011 | 02:56 PM
    well, kahit releasing firm ang star cinema..still, kasali pa din..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  alexangel

    12/29/2011 | 02:55 PM
    agree ako sa mga winners. by the way, marian was nominated as best actress lat year for super inday. ibig sabihin may napatunayan sya as an actress kasi top 3 nominees lang bawat category ang ina-announce. panday is clearly bong's movie. sa ganitong mga pelikula, mahirap talaga manalo ng acting awards.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  alexangel

    12/29/2011 | 02:52 PM
    fyi, dingdong and kris are the producers of segunda mano. releasing firm lang ang star cinema.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  shingaling20

    12/29/2011 | 02:49 PM
    hahahaha..well, DD needs to thank SC for his award, particularly KA..sa GMA films ba nagka award siya? king magaling kang umarte, regardless of the film outfit dapat marecognize ka.. kung di pa sumabit sa SC di makakatikim ng award
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  luvpinas4ever

    12/29/2011 | 02:44 PM
    ang mga kapamilya ang hilig talagang kumuha ng credit na di naman sa kanila. it's just proven na si Dingdong which is a product of GMA can ACT.remember di naman ang ABS ang nagpaarte sa kanya.it's his CRAFT at ang magaling na DIrector na so Joyce which is a recommendation by Dingdong. i remind ko lang ulit ang mga kapamilya co produce din ang movie na ito hindi lang star cinema.pwede ba lumagay kayo sa dapat nyong kalagyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  luvpinas4ever

    12/29/2011 | 02:39 PM
    question lang.bakit na disqualify in some major awards ang YTT? MMFF said there was discrepancy in the orig script and the one in the movie but the direk Tikoy said ang daming binago sa story ng Asyong without his knowledge?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  kalahatingtao

    12/29/2011 | 02:24 PM
    Last year nagsanib pwersa bong-vic against Ai2 kahit second lng ai2 pero lapit lng ang agwat...so i was expecting na this year same thing na close fight vic-Ai2 Against Bong kasi c MR pa ang leading lady...ano nangyari bat ang layo ng figures? By half ha...tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  pinay123

    12/29/2011 | 02:17 PM
    bakit ba masyado kayong affected kay marian rivera? ibig sabihin she really does matter kasi kung bale wala na siya, di na pag-uusapan at pag-aawayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  kalahatingtao

    12/29/2011 | 02:17 PM
    My point ka wannachange...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  kalahatingtao

    12/29/2011 | 02:13 PM
    Tama c slickchick MR is for tv kasi walang bayad manood ng tv...sa cine hindi. Sa mga fans ni marian sa halip na mang-away kayo sa pagyayabang para sa idol nyo eh pumila kayo sa mga sinehan sa mga pelikula nya..cguro sa pirated na dvd nyo lng pinapanood pelikula nya. Kita nyo tuloy flop ulit..ni hindi nanominate sa mga awards..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  etoako

    12/29/2011 | 02:06 PM
    kaioh...80million?! sure ka?! haler 3rd day palang ang kita na yan noh di pa tapos ang showing ng movie...ngekk...ngekk...kaloka ka kahit nagmumukha kang engs sa comment mo sige lang para may masabi ka lang nega kay Marian...OKAY LANG HABANG NANGGAGALAITI KA SA COMMENT MO DEDMA LANG SI MARIAN SA IMO HAYUN ANDUN SILA NI DINGDONG SA BORACAY AT NAG-EENJOY SA VACATION NILA...Nagsusumigaw nga sa tabloid ang titulo ng artikulo...DINGDONG MAS PINILI ANG BORACAY TRIP NILA NI MARIAN KESA SA 'GABI NG PARANGAL'...inggit ka noh...belat!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  dondibencal

    12/29/2011 | 02:04 PM
    Hindi pinapagana ang isip at puso makabira lang. Haay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  kalahatingtao

    12/29/2011 | 02:02 PM
    Congratz also to my idol iza...pasimple lang pero humakot ng awards pati special awards...ayan kasi puro MR lang at c Rhian the baby terminator ang GMA. Kahit gma c iza i really like her kahit sabihin nila hindi pang masa basta glamorosa at talagang my talent. Congratz iza...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  dondibencal

    12/29/2011 | 02:00 PM
    Ayaw talagang tumigil ang mga panatiko ng dos. Umangat lang ang istasyon nila manlalait ng sobra sobra. Magkakapamilya nga, wala namang puso. Tsk tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  wanna_change

    12/29/2011 | 01:59 PM
    sabi kasi ni annette gozon, parang fashion daw ang paggawa ng pelikula... kung anong popular taste, yun ang gagawin niya.. simula hawak ni Annette Gozon ang GMA Films, di na nakakagawa ng GMA ng de kalidad na pelikula. tapos pareho pa sila istilo ni Mother Lily, mahilig sa ingay at controversy para may manood sa kanilang pelikula.... hahaha haha ahaha haha ha ahah ahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  talk1979

    12/29/2011 | 01:42 PM
    haler, what's a fantasy movie compared to a comedy movie? talagang hahakot ang Enteng ng mga moviegoers... when Bong ang Vic joined forces, d ba sila rin ang number 1 sa ranking?! duh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 173  lovetrip

    12/29/2011 | 01:41 PM
    Nppaghalatang wala pera mga fans ng primetime queen ninyo. Un last year niya d man lng na release mgkano kinita. Tapos panday no. 2 lng milya milya lau ng enteng.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 172  talk1979

    12/29/2011 | 01:40 PM
    in our place, Enteng is priced differently from other films...so kahit magkapareha pa in numbers ang mga nanunood, d talaga magkalevel sa ticket sales. 195 vs. 175, 165?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 171  kaioh28

    12/29/2011 | 01:34 PM
    flop ang panday kasi 80 Million ang cost ng production tapos 60M pa lang. waley. malas ngayun si marian. sinuwerte lang eh. hambog ng mga fans kasi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 170  wanna_change

    12/29/2011 | 01:28 PM
    mga FLOP mga pinoy, mga walang taste sa pelikula..... ahahaha hahaha haha ah ahahaha hahaha ... talo ng Thailand ang Pinoy sa paggawa ng pelikula... next mauungusan nn ang mga Pinoy ng Vietnam... haha haha haha ahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About