PART 1: Senator Bong Revilla gives explanation for why he and wife Lani left the MMFF awards night early

Ruben Marasigan
Thursday, December 29, 2011 @ 05:24PM  |  263 views

 

"I have to go to Iligan and Cagayan de Oro... As I've promised babalik tayo doon," Senator Bong Revilla said before he and his wife, Bacoor Congresswoman Lani Mercado, left the MMFF awards ceremonies last night, December 28. "Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon."

Photo By: Sany Chua













Magkasabay na dumating sina Senator Bong Revilla at asawa nitong si Congresswoman Lani Mercado sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night na ginanap kagabi, Disyembre 28, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City.

Pero hindi pa man dumarating sa kalagitnaan ang gabi ng parangal, tumayo na sa kanilang kinauupuan ang mag-asawang Revilla at agad na lumabas ng venue.

May mga nang-iintriga tuloy na tila nag-walkout sila, dahil ito yung mga sandaling sunud-sunod ang panalo ng awards ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito. 

Nakalabing-isang award ang Asiong Salonga, kasama na ang award na Best Picture. (CLICK HERE to read related story.)

Pero bago pa man umalis sina Senator Bong at Congresswoman Lani ay nakausap na ang mga ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). 

Dito ay nagpasabi silang hindi na nila matatapos ang gabi ng parangal dahil sa maagang lakad kinabukasan.

"May flight kasi ako ng six in the morning," sabi ng senador sa PEP.

"I have to go to Iligan and Cagayan de Oro."

Kuwento ni Senator Bong, kagagaling lang daw niya sa Cagayan de Oro para magbigay ng tulong sa mga nasalanta roon ng bagyong Sendong.

"As I've promised, babalik tayo doon," aniya. "Tomorrow [Huwebes, Disyembre 29] morning, I'll be there.

"Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon."

Masayang pagbabalita pa ng bida ng MMFF entry na Panday 2, "Marami tayong mga kaibigan na sumuporta at kasama natin sa pagbibigay ng tulong." 

Gusto rin daw sanang sumama ni Congresswoman Lani Mercado sa Cagayan de Oro. 

Kaya lang ay naghahabol daw ito sa taping ng Amaya, ang malapit nang matapos na epicserye ng GMA-7.

Ginagampanan ng Bacoor congresswoman ang papel na Dal'lang, ang ina ni Amaya, na ginagampanan naman ni Marian Rivera.

1  2  3  Next »

Related Articles

26 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name