news

PART 1: Senator Bong Revilla gives explanation for why he and wife Lani left the MMFF awards night early

by Ruben Marasigan posted on December 29, 2011  STATS: 1036 Views | 26 Comments

 

"I have to go to Iligan and Cagayan de Oro... As I've promised babalik tayo doon," Senator Bong Revilla said before he and his wife, Bacoor Congresswoman Lani Mercado, left the MMFF awards ceremonies last night, December 28. "Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon."

Photo By: Sany Chua

Magkasabay na dumating sina Senator Bong Revilla at asawa nitong si Congresswoman Lani Mercado sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night na ginanap kagabi, Disyembre 28, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City.

Pero hindi pa man dumarating sa kalagitnaan ang gabi ng parangal, tumayo na sa kanilang kinauupuan ang mag-asawang Revilla at agad na lumabas ng venue.

May mga nang-iintriga tuloy na tila nag-walkout sila, dahil ito yung mga sandaling sunud-sunod ang panalo ng awards ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito. 

Nakalabing-isang award ang Asiong Salonga, kasama na ang award na Best Picture. (CLICK HERE to read related story.)

Pero bago pa man umalis sina Senator Bong at Congresswoman Lani ay nakausap na ang mga ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). 

Dito ay nagpasabi silang hindi na nila matatapos ang gabi ng parangal dahil sa maagang lakad kinabukasan.

"May flight kasi ako ng six in the morning," sabi ng senador sa PEP.

"I have to go to Iligan and Cagayan de Oro."

Kuwento ni Senator Bong, kagagaling lang daw niya sa Cagayan de Oro para magbigay ng tulong sa mga nasalanta roon ng bagyong Sendong.

"As I've promised, babalik tayo doon," aniya. "Tomorrow [Huwebes, Disyembre 29] morning, I'll be there.

"Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon."

Masayang pagbabalita pa ng bida ng MMFF entry na Panday 2, "Marami tayong mga kaibigan na sumuporta at kasama natin sa pagbibigay ng tulong." 

Gusto rin daw sanang sumama ni Congresswoman Lani Mercado sa Cagayan de Oro. 

Kaya lang ay naghahabol daw ito sa taping ng Amaya, ang malapit nang matapos na epicserye ng GMA-7.

Ginagampanan ng Bacoor congresswoman ang papel na Dal'lang, ang ina ni Amaya, na ginagampanan naman ni Marian Rivera.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

26 Comments

  • 26  Fabe

    12/30/2011 | 05:56 PM
    rrrrrr
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  GODbewithyou

    12/30/2011 | 04:17 PM
    dapat lang...UNAHIN NATIN ANG MGA BIKTIMA NG BAGYO...KASI BAHA NA ANG AWARD SA IBA WALA PA RIN ANG PANDAY...congrats SENATOR BONG!!!!public service dapat...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  gorgeous_aleck

    12/30/2011 | 08:14 AM
    dapat i-publicize ang ginagawa ng mga pulitiko kasi ang mga tao pag walang naririnig na ginagawa, sasabihin na walang projects. di ba panay ang tweet ng kapams sa ginagawa nila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  Fabe

    12/30/2011 | 05:34 AM
    oh my god
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  Fabe

    12/30/2011 | 05:32 AM
    ttttt
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  Fabe

    12/30/2011 | 05:32 AM
    agree nga ako tagalugin nalang wala akong naintindihan sa pa englit englit ....you see senator bong i would like to see the world baga the future eh LOL. thank in the frineds LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  younisoman

    12/30/2011 | 05:10 AM
    oo nga ano bakit kaya galit na galit si iambrainless kay MR?baka di pinautang ni Marian ng pambayad sa Internet shop hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  sexydulce

    12/30/2011 | 12:12 AM
    mas patok sa tao ang comedy. kaya laging number 1 ang enteng. saka ma-appeal talaga c bossing
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Prd2bpnay8

    12/29/2011 | 11:33 PM
    Tulungan na lang natin at ipagdasal ang mga kababayan natin na nagsa-suffer ngayon sa CDO kesa mag-isip at maglagay ng negative at hindi naman nakakatulong na comments dito. I'm thankful sa mga tumutulong at naglalaan ng time nila to help.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  slickchick02

    12/29/2011 | 11:30 PM
    i thought your idol whatsherface was the station's best, so di dapat number 1 ang panday2, kung marami kayo na followers nya, no doubt dapat diba, panay ang depensa nyo, u guys aren't consistent.aminin na kasi jinxed na ung movie, say it with me "jinx". bong - excuses, excuses lol, you should have just stayed home then. proud of you helpin' out tho
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  icabupinni

    12/29/2011 | 10:37 PM
    E ano naman kung sabihin nyang papunta sya ng CDO? Politiko yung tao, hindi lang naman nanggaling sa sariling bulsa nya ang pinapamahagi duon. Marami yang mga sponsors, nagkataon lang na sya yung kilala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  gmabs27

    12/29/2011 | 10:16 PM
    di ba kayo nagbabasa? tinanong sya bakit umuwi ng maaga sa awards night?sinagot naman nya na may lakad sya kinabukasan sa cdo. oks lang yon kahit na ano motibo nya nakakatulong naman
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  hototguy

    12/29/2011 | 09:26 PM
    anu kayang ginawa ni MR kay iam...? masydaong galit na galit. di kaya karmahin ang taong 'to sa mga pinagsasabi nya. o malamang sya talaga ang MALAS na tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Monicafer

    12/29/2011 | 09:19 PM
    Sana tagalugin na lang ang komento, kasi medyo tumatagilid pag english ang pagsulat, ang tense at verb hindi magkakaukma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  ezee_star

    12/29/2011 | 09:15 PM
    me too no. 11
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  natacia

    12/29/2011 | 09:08 PM
    never liked him.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  fatedtoloveyou25

    12/29/2011 | 08:46 PM
    hoy magbago kna...matatapos na ang taon masyado kpa din nega..baguhin mo yang pag uugali mo pra umasenso...hnd lng nman c bong ang nag aannounce ng pupunta cya ng cdo..andaming artista jan...at buti nga cya natulong..ikaw b khit pnu my naitulong na?magbago na...wag ng masyadong nega sa buhay....peace...love...love...lovee....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovekopinas

    12/29/2011 | 08:24 PM
    may jinx ba na umabot ng mahigit 50M ang kita ng Panday 2 at no. 2 blockbuster, hellleeerrr!!! expect Enteng to be no. 1 kase they can promote their movie in 3 big networks GMA, ABS, TV5. not like the other movies na isang network lang talaga including Panday 2.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • horacio

    12/29/2011 | 08:07 PM
    yang si brainless mga ineng wag niyo na patulan kase siya talaga yang unang unang naghahasik ng lagim sa lahat ng kapuso articles. di na yan dapat pinapatulan kung ayaw niyo bumaba sa kanyang level.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • freemind24

    12/29/2011 | 07:44 PM
    Stars want to publicize their helping victims of Sendong or NOT, mapaguusapan pa rin sila kse nga STARS sila noh! Andaming media sa CDO and Iligan what do you expect? Use your brains people...kapag di ka na tv or nasulat nung tumulong ka kahit artista ka, ibig sabihin di ka SIKAT kse di ka pinagaksayahan ng oras ng media! Yun lang yun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About