Kahapon, December 28, mula mismo kay Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Chairman Francis Tolentino ay inilabas na ang three-day gross earnings ng mga pelikulang entries sa festival.
Nangunguna sa labanan sa takilya ang Enteng Ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas, pumapangalawa ang Panday 2, at pumapangatlo ang Segunda Mano. (CLICK HERE to read related story.)
Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksyon ang Panday 2 lead star and producer tungkol dito.
"I would like to congratulate Vic Sotto and Ms. Ai-Ai for being the number one nitong Metro Manila Film Festival.
"Kumbaga, at least yung pelikula natin, doing very well din.
"Sa ngayon, we're number two. But it's a close fight.
"Kumbaga, lumalaban-laban pa rin.
"Pero ang importante rito, masaya ang Metro Manila Film Festival.
"Natural lang na may mga intri-intriga.
"Basta ang importante, huwag mag-away-away, dahil pelikula lang ito.
"Kumbaga, ang hangad ng lahat ay mapaganda ang pelikula ng bawat isa," banggit pa ni Bong.
Satisfied na rin naman daw siya sa performance sa takilya ng Panday 2.
"Of course! Yung turnout ng Panday 2, kumbaga this one is stronger than Panday 1. Talagang marami rin ang nanood.
"At siyempre ang kalaban ko, dalawa, e—Vic at Ai-Ai. So, talagang dalawang higante 'yon.
"Tayo naman, may mga kasama rin tayo. Pero siyempre, iba yung king and queen ng comedy na kalaban mo.




0

